"Huwag ka ngang ngumanga diyan. Para ka pong ewan."
Di ko na pinansin pa si Zen sa mga pinagsasabi niya. Yung girlfriend kasi ni kuya...
Si sexy lady.
Yung crush ni Gelo. P-pero, paano nangyari yun? Meghad! Ang aking isipan ay gulong gulo!
"Hey Jonn, pwede ba natin isama si Casey?" biglang tanong ni sexy lady.
Sumubo naman ako ng Lays habang nakikinig lang.
"What?! That brat?" sabi ni kuya sa di pag sangayon na tono.
Hmm. Brat? Baka naman mukhang Burat. Haha! Pero seryoso, ayokong makasama ang isang brat.
Brat+fatty me= riot
Yes guys. Riot. I really hated those big mouthed brats. Sarap nilang sunugin ng buhay.
"Pretty please? My cousin is so bored right now." sabay pa-cute niya pa. Pwe! Kadiri much.
"Please?" sabay kapit niya sa braso ni Kuya. Saka Jonn? sipain ko siya sa taJonn eh!
"Kumain ka na nga lang diyan. Ang ingay ingay ng ego mo. Naiistorbo ako eh!" sabay lagay niya ulit ng headphones.
Bakit pati naman ego ko narinig niya? Weird.
"Weirdo!" sigaw ko sa tenga niya.
Hinigpitan naman niya ang yakap sa bag ko at kay piggy.
Kay piggy?!
"Hoy! Ikaw antipatiko ka! Akin na si piggy!" sabay hawak ko sa pinakamamahal kong bestfriend.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko at lalong hinigpitan ang yakap kay piggy.
"Huy Zen! Akin na!" sigaw ko. Pero waepek talaga. Hinampas ko naman siya ng bag. Nakakainis. Sa lahat na lang talaga. Papansin!
Tumigil naman ang kotse or van o kahit ano dun dahil di ko alam, may pumasok na babaeng mukha ngang brat. Mukhang pokpok na malanding malaki ang bunganga.
Nilait no? Sa konsensya ko lang naman eh. Kami lang nakakarinig. Hehe.
Umupo naman siya sa tabi ni Zen. Bali pinag-gigitnaan namin siya. Todo ngiti naman ang gaga kay Zen. Pero ngayon ko ata mapupuri ang asungot na ito. Di niya pinansin!
Napapatawa na ako. Para kasing tanga yung Casey.
"Tinatawatawa mo diyan taba?" pataray na tanong niya.
Tinitigan ko naman siyang mbuti. Teka, kilala ko 'to ah?
"Ikaw yung--"
Di ko na naituloy pa ang pagsasalita dahil pinutol niya ito.
"Hey, you are that baboy in NBS right? Eek! Napaka malas ko naman." sabay arte niya na parang namamatay.
Teh, patayin na kaya kita. You want? Kung kada subo ko ng Lays ay katumbas ng isang saksak sa kaniya, baka kanina pa yan nakahandusay.
-
Di ko alam kung nasaan na kami. Ang bilis nga ng mga pangyayari eh.
"Kuya Vince, nasaan na po ba tayo?" tanong ko.
"Malapit na tayo sa Ilocos, Pat. Mag eenjoy ka sa hometown namin." sabay ngiti niya.
Bigla tuloy akong na-excite. Pero mukhang may dalawang tao akong poproblemahin.
-
Nagising na lang ako dahil sa kalabog na narinig ko. Nagbabaan na sila! Agad naman akong napatayo!