Tulala ako at parang naka-drugs lang. Di ko talaga maintindihan eh. Bakit siya si Rique? B-b-bakit? Nakakawindang talaga ang mga pangyayari. Bakit ba ganito?! "Patricia okay ka lang ba talaga? Pwede ka namang umakyat na sa kwarto mo kung masama ang pakiramdam mo." narinig kong sabi ni Tito Greg.
"Po?" sabay tingin ko sa kaniya.
Buset! Naka-tingin pa sa akin ang "Rique" na ito. Naka-ngiti. Hindi talaga ako maka-kain. Sana panaginip na lang talaga 'to lahat. Yung magigising na lang ako na nakatulugan ko pala ang pamamapak ng Nutella.
Akalain mo yun? Zen Enrique
Enrique.
Rique.
Akala ko naman kasi ang pronuncation yung Enrique niya ay parang kay Enrique Gil. Kayo? Makakakain ka pa ba kung siya kaharap mo? Kung lahing higad ka oo. Pero kung lahing anti-makati kagaya ko, hindi.
Bakit ba sa dinami-dami ng nagngangalang Enrique eh siya itong kaharap ko?! Ganito ba talaga ang tadhana? Masama?
Inirapan ko na lang siya at tumingin sa plato ko. "Tito Greg," pagsisimula ko. Di ko din alam pero sadyang nagsasalita ang bibig ko. "Kilala ko pa yang anak niyo. Kaklase ko po siya." sabi ko.
Humagalpak ng tawa si Tito Greg at ikinagulat namin yun. Ayan. Nabulunan tuloy. Pfft. Nung naka-recover na siya, "Tingnan mo nga naman ano? Ang tadhana talaga ay sadyang mapaglaro" paliwanag ni Tito. Narinig ko namang nagpipigil ng tawa si Zen. Tiningnan ko naman siya at binigyan ng nakakamatay na tingin. Kainis. Kainis kainis! Nakakainis talaga. Daig pa yung feeling na kumupit si Tita ng Macadamia sa ref.
-
Nasa kwarto na ako. Di talaga ako mapakali. Nakakainis! Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng maging anak ni Tito ay siya pa? At isa pa, bwiset 'tong si Kuya Vince. Pinagpipilitan ako sa kaniya. Destiny, soulmate kuno daw. Kayamot! Ayts! Sarap magising sa katotohanan eh! Sana talaga panaginip na lang lahat ng 'to!
Bigla namang may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto. Ah, si Kuya Vince.
"Hot Choco?" sabay ngiti niya.
Bumaba naman kami sa kusina. Siguro ay nahalata ni kuya na naiinis na ako sa mga pangyayari. "Oh, inom ka muna." sabay abot niya ng mug.
"Kamusta naman? Kaklase mo pala si Bro?" tanong niya. Tiningnan ko naman siya at ngumuso. "Sinabi ko na nga kanina di ba? Tss" badtrip talaga oh! Kayamot!
"Okay, chill. Haha. I just want to know kung paano kayo naging close?" huminga muna ako ng malalim at tuluyang humarap kay kuya. "Kuya, nasa park ako nun. Eh dahil sa katangan ng Zen na yan nahulog ako sa fountain! Sa fountain! Tapos edi kinabukasan siya pala 'tong bagong transfer asungot. Edi ayun umiyak ako. Eh loko loko eh! Kayamot! Pero, sinundan niya ako. At pinagtanggol sa mga nang-aaway sa akin." wala na akong masabi. Humigop na lang ako ng Hot Choco na siyang nakapag-pakalma sa akin.
"So, ganun pala yun. Balita ko, lahat daw ng babae sa classroom niyo may gusto sa kaniya?" sabay ngiti niya.
"Correction, hindi lahat. Ilabas mo ako 'don kuya! Hindi ako magkakagusto sa isang antipatikong asungot na lampa!"
Humaglapak naman ng tawa si Kuya Vince. "Ganun mo ba talaga kaayaw si Rique? Sayo lang nga ata mabait yun." napa-tingin naman ako sa kaniya at parang sinasabing, siya? mabait? weh? kelan pa?
"Si Zen? Mabait? Kelan pa kuya?" sabay higop ko ulit. "Ewan ko. Kapag nandito kasi siya wala yung kinakausap maliban sa akin. Pero paminsan lang. Hindi din friendly yang kapatid ko na yan. Kaya himala ako at, tumatawa siya gawa mo."
Bigla naman akong nasamaid. Okay na sana eh. Ako lang talaga? As in ako? Ako? Ako? Kulit. Ikaw nga. "Seryoso ka ba talaga diyan sa mga pakuwari mo kuya? Parang hindi naman. Oo tumatawa siya kasi inaasar niya ako?" paliwanag ko.
"Pero kahit na! Bibihira talaga ngumiti o tumawa manlang yang si Zen. Wala pa ngang nagiging girlfriend yan dahil nakakatakot daw. Para daw halimaw."
Tumawa naman ako ng sagad. Halimaw! Wala ngang magkakagusto sa isang halimaw na kagaya niya. Isa siyang Beast!
"Grabe kuya. Talagang wala pa? Sabagay, di naman kasi siya isang Ideal man ng mga babae. Sabihin na nating mqy itsura siya kuya, pero kamusta naman ugali niya? Nang-aaway nga ng babae yun eh!" paliwanag ko ulit.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi di mo pa naman kilala yang kapatid ko. O siya, matulog na tayo. May pasok ka pa bukas di ba?"
-
Ang awkward lang talaga ng atmosphere dito sa kinauupan ko ngayon.
Una, katabi ko si Zen. Pangalawa, yung di inaasahan kagabi. Kayamot lang talaga. Kaya naman pala kapag tinitingnan ko si Kuya Vince eh may kamukha siya. Si Zen pala. Haays. Wala pa namang prof. Yung iba naming kaklase nag-dadaldalan lang.
"Zen," pagsisimula ko. Di ko talaga alam ang sasabihin ko. Ang awkward nga kasi talaga. "Oh?" taray talaga netong lalake na ito. Halimaw talaga eh. Kayamot! "Samahan mo ko" sabay tingin ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at inirapan. Bakla ata 'to eh. "Sige na!" sabay kapit ko sa jacket niya. "Tss. Wag mo nga akong hawakan!" taray talaga neto. Sarap itapon.
Hindi ko siya napilit kaya naman tumayo na lang ako at nagpunta sa canteen.
-
Masaya na sana ako sa pagkain ng Large Fries at burger ko nung may biglang tumapik sa akin. Si Gelo na naman. Kelan ba ito titigil? Pag puti na ang nutella? Pero wala akong nakita sa google na puting nutella kaya imposible yun.
"Can we talk? Please?" pagmamakaawa niya. Huminga na lang ako ng malalim at tumuro sa katapat io na upuan. Mabilis naman siyang umupo dito at ngumiti sa akin.
"Oh? Bakit ka nandito?" tanong ko. Di ko siya tinitingnan. Busy ako sa pagkain. Istorbo siya. "Gusto ko lang mag sorry. Ang tagal na kasi nun Pate. Sorry talaga. Sorry" tumingin naman ako sa kaniya. Mukha naman siyang sincere.
"Sige. Basta please lang ah? Wag mo muna akong kakausapin at baka kainin kita ng buhay."
-
Nandito ako ngayon sa may park. Nagpapalipas oras lang. Ayoko pa kasi umuwi. At tama kayo ng hinala. Kumakain na naman ako. Lagi naman. Tumingin ako sa may bandang play ground at nakita ko ang mga masasayang bata na nagtatawanan. Dun naman sa may gubat-gubat ay alam niyo na. Madaming ano. Basta yun. Nandito ako sa fountain. Oo. Ewan ko nga eh. Parang wala na ngang bad memory dito. Nabura na sa lahat ng human brain. Iniutos ko kasi sa kaibigan ko na alien. Joke lang.
Bakit kaya ganun si Zen? May problema kaya siya? Actually, isang buwan na din pala nung mahulog ako dito sa fountain dahil kay Zen. Kamusta na kaya siya?
Ayts! Ano ba Patricia?! Napa-iling na lang ako sa mga iniisip ko. Kainis naman kasi. Bakit ko ba siya namimiss? "Mukha kang talagang baliw. Kinakausap mo na naman ang sarili mo."
Nagulat naman ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Zen?!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Di lang naman kasi ako makapaniwapang siya 'tong nasa tabi ko. Weird.
"Wala lang." tipid niyang sagot. "Kain ka oh" sabay alok ko ng fish ball. Tiningnan niya lang yun at di na pinansin. Haay! Siya nga kauna-unahang inalok ko ng pagkain. Kayamot! Tatayo na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Alam mo ba yung pakiramdam na yun? Yung anak ka sa labas?"
Author's Note
Hey, sorry po sa LLU (late and lame update) kasi po, WB ako at busy na din po ako. May pasok na kasi hehe. Aral aral po muna bago update. Salamat po sa patuloy na nagbabasa neto. Lagi niyo po akong pinapasaya. Salamat po ng madami!
-Zelleyace