3

991 28 20
                                    

Nagising ako sa ingay na narinig ko. Anong meron? Bakit parang may tao sa baba? Napa-tingin ako sa alarm clock sa side table. 05:00 AM

Sinong bibisita ng ganito ka-aga?

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha ng isang babae. Nanlaki ang mata ko. Si Tita Dina ba ito?!

"T-Tita Dina?!" di ako maka-paniwala. Grabe. Isang decada ng di nauwi si Tita dito sa Pilipinas. Nasa Canada kasi silang lahat. Pati mga pinsan ko. "Patricia?! Patricia!!!" Bigla na lang akong niyakap ng Tita ko. Sana ganito din ang nanay ko kung maka-balik din siya dito. "Grabe tricia! Ang laki laki mo na!" Aray ko. Parang literal yun ah?

Hanggang ngayon ay nasa state of shock pa din ako. Ano kayang ginagawa ng tita ko dito? Bakit kaya siya umuwi? Haaay.

"Tita, bakit po ata biglaan ang uwi niyo?" tanong ko sa kaniya. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata ko. "Magbabakasyon lang ako ng dalawang buwan dito. Kinakamusta ka na din ng Tita Belle mo."

Ayy. Si Tita Belle. Siya yung nagpapaaral sa akin at bumubuhay. Bakit kaya hindi siya ang umuwi? Siya na 'yung na-mimiss ko ng sobra eh. Si Lola naman nasa tumba-tumba niya. Walang pakialam sa nangyayari. Minsan na-aawa na ako sa kaniya eh.

"Ah ganun po ba? S-sige po tita." ngumiti ako ng mapakla at bumalik na sa kwarto ko. Haay. Nahiga ako sa kama. Kinuha ko muna ang cellphone ko.

10 unread messages

3 missed calls

Hmp! Kumukulo ang dugo ko! Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Kainis! Tumayo na ako at naligo. May pasok pa. 7 AM nga pala ang pasok. Tss. Humanda talaga yung Gelo na yun. Gagawin ko talaga siyang gulaman. Tss.

-

"Huy napanood niyo ba yung video?!..."

Haaaaixt! Kayamot na buhay! May nag video pala nung kahihiyan ko kahapon! Ah basta, bahala na. Pumasok ako sa loob ng classroom. Tawanan at pangungutya ang bumungad sa akin. Inirapan ko si Gelo at dumaan ako sa harapan niya na parang di ko sia kilala. Hmp! Kumukulo talaga ang dugo ko! Kung sino man yung nagpahiya sa akin, karmahin sana siya!

"Okay, Good Morning class!" sabay pasok ng prof namin.

Tumahimik ang lahat dahil may ina-announce pala si Ma'am este si Sir! Haha. Medyo, alam niyo na.

"So class I want you to meet your new classmate" he said sarcasticly.

Pumasok ang isang lalaki. Plain lang. Suot ang white shirt niya may print ng "Mr.Perfect" eh mas mukhang Mr.Asungot eh.

"Hi, call me Zen." malamig na sambit nito.

"You sit there Mr.Ambrosio" tumuro sa tabi ko sa Sir. Eh sa wala kaya akong katabi. Di 'yan tatagal sa akin.

He sat beside me kumunot ang noo niya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas naman ang kilay ko. Is he checking me out? Iba na talaga panahon ngayon oo. Kahit sinu-sino na lang eh.

"Baboy" at tumawa siya ng malakas.

Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin. Hmp. Kayamot.

"Wait, wait... Teka, ikaw yung nahulog sa fountain di ba?!"

Nagtawanan silang lahat. Pakiramdam ko talaga sasabog na ako. Napatayo ako at lumabas ng room. Nanakbo ako palayo. Hindi ko napigilang hindi umiyak. Ano ba naman 'to?! Ke bago bago nung asungot na yun! Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dinala lang ako ng sarili kong paa sa isang ice cream parlor. Tamang-tama.

Confessions Of A Fat GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon