Chapter 15

130 10 2
                                    

#STHFight

Anica's POV


"Nakakainis talaga sya."

Nandito ako sa bahay nila Jessica. Sa kwarto nya to be exact. Ayoko kasi sa bahay e. Baka problemahin pa ako nila Mommy kapag nakita nila na nagmumukmok ako.

Naalala ko kahapon sa school. Hinanap ako ni Jake hanggang sa nakita nya ako sa rooftop. Totoo lang, natuwa ako dahil ginawa nya 'yun. Yung effort para mahanap at makausap ako. To say sorry for what he did kahit na hindi ko naman sinabi kung bakit ako nagagalit. Kahit na muka talagang clueless sya. Pero hindi ko pinaramdam sa kanya na natuwa ako sa ginawa nya. Kasi naiinis ako sa kanya. Hanggang dumating si Alexander. He came to save me, to protect me. Hindi ko dapat imenos ang mga ginagawa ni Alex para sakin.

"Edi bustedin mo. Ganern." Sinubo nya ang ice cream galing sa maliit na mangkok na hawak nya. Kumakain kasi kami ng Ice Cream e.

"Anganda ng advice mo ha? Thank you." Agad-agad babudtedin ko?

"Kung hindi mo sya babustiden. Anong plano ng gagandahin kong friend? Meron ba? E muka namang clueless ka."

Ano nga ba? Hindi ko alam. Dahil ba sa nakita ko, aalisan ko na sya ng chance para ipakita sakin na he's worthy? Ewan.

Umiling lang ako.

"Tss...E ano ba? Kung hindi mo sya babustiden, anong gagawin mo? Hahayaan mo lang sya na gawin ulit nya 'yon. Hindi pa nga kayo e ganyan na sya. Sasabihin nyang mahal ka nya tapos makikipagharutan sya kay Natalie? O com'on Beshie. Pinaghahandaan mo nabang masaktan? Eenjoyin mo ba?"

Just wow. Ginulat ako ng bestfriend ko. Naiiyak ako. Like oh my gosh!

"Oh...bakit ka umiiyak?" Nagtataka sya habang nakatingin sakin.

"E kasi naman...ngayon ka lang ulit nakapagsabi ng may sense e. Puro kasi walang kwenta mga sinasabi mo."

Last time I checked. Huli syang nagsabi ng may sense sakin noong nagalit sya dahil pumayag ako sa gustong ipagawa sakin nila Natalie. Pinunasan ko ang luha ko sa kaliwang mata. Tears of happiness..

Binato nya ako ng kutsara na gamit nya.

"Aray naman."

Nagtaas sya ng kilay. Seryoso talaga ang mode nya ngayon.

"Okay sorry. Oo na, natouch ako. Kasi ayaw mo akong sinasaktan ng iba."

She smiled at me.

"Gusto mo kasi ikaw lang ang mananakit sakin. Babatukan, kukurutin at babatuhin ng kutsara."

Tapos tumawa ako. Babatuhin nya sana akong mangkok na hawak nya. Buti nalang hindi nya tinuloy. Pagbigyan, gumaganti lang. Haha. Pero natouch talaga ako sa concern nya.

"Mahal mo na sya diba?"

Bakit ganito mga kaibigan ko? Bigla-bigla mga nagtatanong kung mahal ko na ba si Jake. Nagugulat ako...Promise! Pero mahal ko na nga ba si Jake? Ano na puso, hindi mo padin alam? Sabi ni Alex sakin, kapag daw kasama mo ang isang espesyal na tao sayo. Kaligayahan ang mararamdaman mo and that is beyond happiness. Then inlove ka.

"Beshie. Ikaw?"

Tumingin sya sakin na parang nagtataka.

"Nainlove kanaba?"

(♡_♡)

Biglang nagtransform ang itsura ni Jessica. Ganyan na ganyan ang nakita kong reaction sa muka nya. Naging puso ang mga mata nya. As in literally...Keme lang.

"Itsura mo?" naloka kasi ako.

"E kasi nga tinatanong mo kung nainlove na ba ako." Tapos nakapasok sa bibig ang hintuturo nya. Pabebe.

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon