Chapter 12

175 13 0
                                    

#STHJessicaCrush #Lemonade

Anica's POV

"Gusto ko maging chef. Doon tayo!"

Pinipilit ako ni Alexander na magluluto naman daw sya. Madami na kaming KidZos dahil sa dami na ng naging trabaho nya dito. Nandito kami sa Kidzania Manila. Hindi ko naman inexpect na dito ako yayayain ni Alexander na makipagdate. Well, ang cute lang ng other side nya.

"Hindi ka ba napapagod? Naging Doctor ka na, Fireman at marami pang mga trabaho na nagawa mo."

Kung hindi sya napapagod, ako pagod na!

"Hindi pa. Please...last na! Dream ko talaga 'to kaya naihuli ko. Please! Last na Anica."

Kaibigan kita Alex, kaso lang napapagod na talaga ako. Haist..

Bumuntong hininga ako.

"Okay. Let's go." I gave him a smile.

Hinawakan nya ang kamay ko at tumakbo kami sa Play City hanggang nahanap namin ang lugar.

"Grabe Alex...pinagod mo ako."

Sabi ko pagkaupo namin sa bench dito sa labas habang kumakain ng Ice Cream na binili namin.

"But it was fun. I enjoyed it." dagdag ko pa.

"Sobrang saya talaga Anica. Lalo na at ikaw ang kasama ko dito."

Enebe...Haha!

"Pangarap ko ang maging Chef. Pero si Dad, gusto nya maging Engineer ako."

Napatingin ako sa kanya.

Naalala ko dati. Gustong gusto nya na maging isang Chef. Grade 6 palang kami, kaya na nya magluto ng mga complicated dishes. Marunong nga din sya magbake e. Talo pa nya ako. Bakit kaya hindi pa nya ako pinagluluto?

"Oo. Masarap ka kaya magluto. Dapat 'yun talaga ang kuhain mo sa college. You will be called as Chef Alexander."

Tumango sya.

"Pero si Daddy.... sya kasi ang masusunod."

Tumungo sya bigla. Haist..Alexander Mendez, lagi kanalang ganito. Hobby mo naba ang maging malungkot. Hinimas himas ko ang likod nya.

"Ikaw...ano bang gusto mong kunin sa college? Months from now, matatapos na tayo sa High School. May gusto ka nabang kunin na course?"

Bigla syang nagsalita. Ano nga ba? Bata palang ako, gusto ko na maging fashion designer. Pero gusto ko din maging Doctor or Teacher. Gusto ko din ng Business Administration, kaso ayoko mag manage ng business namin. Nakakasawa! Flight attendant gusto ko din, tutal maganda naman ako. Ano ba talaga ang gusto ko.

"Mukang naguguluhan ka pa." Oo.

Tumingin ako sa kanya. "Huh?" (O_O)

"Nakatingala ka kasi e. Mukang nag-iisip ka."

"Hindi ko pa alam e." Sagot ko.

Kinain ko na ang last part ng cone sa ice cream na binili namin.

Tumango lang ako. Anghilig namin tumango ngayon. Napansin ko lang. Haha! ^_^

"Si Jake...Mahal mo naba sya?"

Kaloka naman 'tong si Alexander. Bigla biglang nagtatanong ng ganitong klaseng tanong ng walang pasabi.

Pero mahal ko na nga ba si Jake? Same question na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Paano ko ba malalaman kung mahal ko ang isang tao. I never had a boyfriend kaya hindi ko alam ang feeling na inlove although may mga nagtatry manligaw. Kaya natatakot ako noon pa na mahulog kay Jake kasi...hindi ko alam kung ano ang hangganan na dapat kong ibigay. Kasi wala akong alam. Sabi ni Mommy, kapag nahulog ka sa isang tao at natutunan mong magmahal. Makakaramdam ka ng sakit. Hindi lang puro saya. Kaya natatakot ako.

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon