Chapter 18

104 14 0
                                    

Chapter 18


Jake's POV



Tama ba? Tama nga kaya na gawin ko ito? Haist. Gusto ko lang naman ay hindi na mahirapan si Anica e. Kagaya nalang noong sabado, nasapak ko si Alexander. Hindi ko na tanda kung saan banda ko sya natamaan. Basta ang alam ko ay nahihirapan si Anica na ganito kami ni Alex and mas mabuti kung isa nalang ang tutuloy sa panliligaw.



Nabigla lang naman ako e. Masyado nya kasi akong hinusgahan base sa nakaraan ko. Manloloko ako ng babae, aaminin ko naman 'yun. Pero noon 'yon. Ibang Jake Michael Monteverde na ako ngayon.



After what happend, hindi ko pa nakakausap si Anica ng personal. Hiyang-hiya kasi ako sa nagawa ko. Sa sobrang hiya ko nga hindi ko pa sya tinetext at hindi pa ako nagpapakita sa kanya. Mali ako, alam ko at hindi ko dapat ginawa 'yon.




"MONTEVERDE! THREEEEEEE POINTS!" sabi ng announcer.


Tinignan ko si Alexander. Hinihingal sya.


"Go Jake!" Naghihiyawan ang mga tao.



"Hoy Jake!" Tumingin ako sa bench. Si Jessica pala ang sumigaw at katabi nya si Renz. Kasama dapat sa team ko si Renz kaso nga lang, nanlalambot daw si Jessica. Close pala sila?



Pinanlalakihan nya ako ng mata. "Lagot ka kay Anica." sabi nya.



Sinasabi ko na nga ba e. Alam na ni Anica. Tss...pahamak yang si Renz Lemon. Ang usapan namin, kami lang tatlo. Pero halos buong school yata ang nandito except sa mga teachers.



~Eeeeeennnnnnnkkkkkkk!~


Tumunog ang bell. Humingi ng time out ang Team nila Alexander.



32 over 14 ang score. Lamang kami.



Nagpatuloy ang laro. Nakakarindi ang ingay ng mga nanonood.










"MENDEZ....TUMIRA...WAAAAALLLAAA!" sabi muli ng announcer.



Tumira si Alexander. Pero hindi pumasok.



57 over 31 and score. Lamang parin kami. Humingi ulit ng timeout ang team nila.














Last quarter na.



Medyo naaaawa ako kay Alexander. Halata kong hindi sya sanay maglaro ng basketball. Maybe he's not into basketball.



Hinaharangan ako ni Alexander. Matapang ang tingin nya sakin habang pilit inaagaw ang bola.



Ipinasa ko ang bola sa isa kong team mate pero ibiinalik nya sakin ang bola.



Inagaw ni Alexander sakin ang bola at nagtagumpay naman sya. Pero nabawi ko ito.



"Akin 'tong bola. Hindi mo na 'to maaagaw sakin." Sabi ko.



Dineretso ko na ang bola. Pero sinabayan ako ni Alex at naagaw ang bola sa kamay ko.












"LAST TWO MINUTESSSSSSSSSS!!"



Dalawang minuto nalang ang natitirang oras.



Nakahabol ang team ni Alex. 60/54 na ang score. Mabilis ang naging pangyayari. Lamang parin kami, pero mabilis silang nakahabol.




Pumito ang referee. Foul ang kateam ko.



Tumira ng free throw ang teammate ni Alex. Parehas nashoot kaya plus 2 points.



Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon