Chapter 20

127 7 2
                                    

#STHLovelifeniJessica

Hi! Wala ulit masyado POV si Anica maganda. Pasiglahin muna natin ang lovelife ni Jessica. Maghanda  kayo sa kalandian hormones ni Jessica. (^_^)

Chapter 20


Emerald's POV



"N-Naiinis ka kay Natalie?" Takadong sabi ni Kelly.


I nodded.


She's my bestfriend. Kaya I know that I can count on her. Na hindi nya sasabihin kay Natalie at sa kahit na sino na naiinis ako kay Natalie.


Naiinis ako dahil sobra na sya. Ilang taon na kaming magkakaibigan pero habang patagal ng patagal, nagiging alila nya na din ako, kami. Lalo na noong inalis nya si Anica as our slave. Tagabili kami ng gusto nya. Minsan tagadala ng mga things nya. Magpapagawa ng kahit ano ang kanyang magustuhan at magagalit kapag hindi namin ginawa na para bang pinapasweldo nya kami.


"Naiinis ka as in you hate her?"


Tumango lang ulit ako. Nilunok ko muna ang kinakain kong popcorn sa pamamagitan ng drinks na binili din namin kanina.


"Yeah. I badly hate her." I answerd.


"But why?"


"Why? Okay. Ieexplain ko sayo." Huminga muna ako ng malalim saka ko itinuloy ang sasabihin ko. "I hate her. Because she's hurting my brother, ginagawa nyang tanga si Kuya Enzo. I hate her dahil ginagawa nya tayong slave nya. I hate her because she's over. Sobra na sya kung paano nya tayo kausapin, she's over sa pagtrato nya satin. She's over sa pagsigaw nya sayo Kelly. I hate Natalie. I hate her now, so much."


Nakatitig lang sakin si Kelly, nababasa ko based on her reaction na nagulat sya at nagtataka sa mga sinabi ko.


"What?" I asked her.


"Nothing. Nashocked lang siguro ako. I guess." she answerd.


"Shocked? Siguro nakakashocked nga. Like I'm the most loyal friend na meron sya diba? Maybe yes, BEFORE." Naiemphasize ko yung word na before kay Kelly. "But things has changed now. Kagaya nya, nagbago kasi sya Kelly e. Every year nagbabago sya ng ugali, pasama sya ng pasama. Oo, dumating sa point na halos ginagaya ko na sya. Magsalita, kung paano sya kumilos pero ewan ko ba. Maybe I realized that it was wrong. Nakita ko lahat 'yun simula ng nagmerged ang company nila at ang company namin. Simula ng niligawan sya ni Kuya Enzo at sunod mg sunod naman si Kuya sa kanya. Since then, nagflashback sa utak ko lahat. Noong nakilala natin sya. Noong humble pa kaming dalawa. Noong simula palang ng pagkakaibigan nating tatlo as The Princess."


Bakas sa muka ni Kelly ang lungkot. Buti pa nga sya e, she never change. Sya padin ang Kelly na kilala ko. Pagkatapos ng ilang taon na nagdaan sya padin si Kelly na sweet, mabait at maalalahanin at pinaka understanding na kaibigan na kilala ko.


"Kelly."


I smiled at my bestfriend. I have to say sorry. I need to say sorry sa kanya.


"I'm sorry. Kasi siguro nga simula nang nakilala ko si Natalie e, nadisregard ko na ang friendship natin. Pasensya ka na kung kagaya ni Natalie, nilamon din ako ng kasikatan sa school kaya mas naging close na ako sa kanya. Tumaas masyado ang tingin ko sa sarili ko. Alam kong may nagbago pero hindi pa naman siguro huli para ibuild muli yung friendship na meron tayo noon diba? Sorry talaga Kelly." Kailangan kong magsabi ng sincere na sorry sa kanya. Kahit  hindi nya sabihin alam ko naman kasi na nalungkot sya sa mga nangyari sa pagdaan ng mga taon.


Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon