Chapter 19

104 10 1
                                    

Pahinga muna tayo sa POV ng ating napakagandang bida na si Anica. Dedicated kay Kelly ang Chapter na 'to. First time (yata) nya magkaPOV e. ❤


Chapter 19


Jake's POV

Umalis ako para hanapin si Anica. Kahit muka akong busabos sa itsura ko dahil sa nangyari kanina, wala akong pakialam. I need to find her, hindi pa siguro sya nakakalayo.

Hihingi ako ng sorry. Sorry kahit hindi nya pakinggan. Sorry kahit hindi sya sumagot. Sorry dahil mali ako.

Kasalanan ko 'to. Wala namang dapat sisihin kundi ako lang. Ako ang nagpilit na dapat isa nalang ang magpatuloy sa panliligaw kay Anica. Kaya ako ang may kasalanan.






Wala na. Wala ng Anica dito, siguro nakalayo na sya.

Antanga-tanga mo kasi Jake. Sobrang tanga mo. Maling desisyon nanaman. Heto, may nasaktan nanaman ako na isang babae. Tsk! Anica, patawarin mo ako.

"ANICA!"

Kahit anong sigaw ko, alam kong wala na sya. Wala na sya dito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka alisin narin nya ako sa buhay nya. Ayoko, hindi ako papayag.

Biglang kumidlat, bumuhos ang ulan.

"ANICA! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA!" Humiyaw ako sa daan.


Sumasabay ang luha ko sa pagluha ng langit. Sobrang sakit isipin na baka mawala na si Anica sakin.

Nagdidilim ang paningin ko. Nanghihina ako. Unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

Natalie's POV

"If you want to go home, then leave! I don't need you here Kelly."

"Natalie...I'm just saying my opinion okay? Hindi mo kailangang magalit sakin." sagot ni Kelly.

"I agree. Masyado kang nagpapakagalit Natalie. Ang sinasabi lang naman ni Kelly ay hindi mo kailangang magpakagirlfriend kay Jake dahil hindi ka naman nya girlfriend."

Technicaly, tutol sila sa ginagawa ko.

May napapansin ako kay Emerald. Napapadalas ang pagkontra nya sakin. Para na syang si Kelly, the heck.

"Alam nyo naman diba? Alam nyo naman na I want him back. Hindi na para gumanti, but because I realized na mahal ko pa pala si Jake. Ngayon, kung hindi nyo ako susuportahan. Pwede na kayong umalis ng ospital na 'to." Tss...akala ko kaibigan ko sila. Pero hindi nila ako kayang suportahan. Gosh.

"Sige nga, kung gusto mong mabalik sayo si Jake. Paano si kuya? Iexplain mo nga."

Kailangan ko ba talagang iexplain? Again?


Umingit ang pintuan ng kwarto. Si Enzo pala.

"Here, mga prutas na pinabili mo." sabi nya sakin sabay abot ng basket na may kasamang prutas.

Umiling-iling si Emerald. Hmf! Natatangahan siguro sya sa kuya nya.

Nandito kami ngayon sa hospital. Noong umalis si Jake sa gymnasium, nagpasama ako kina Emerald para sundan sya kahit ayaw nila. Nahanap namin sya sa daan na nakahandusay habang pinapalibutan ng mga tao. Umuulan, basang-basa sya kaya we're here. Aalagaan ko sya, nice one girl.

Kasalanan 'to ni Anica.

"Thank you." kinuha ko ang basket at nilagay sa table na katabi ng higaan ni Jake.

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon