Chapter 17:Fight4Love

131 9 0
                                    

#SJAFight4Love



Chapter 17



Anica's POV



"~Lalalalalala~"



Happy monday for me. Nakaupo na ako ngayon sa chair ko dito sa classroom. Wala pa si Jessica.



Angsaya-saya ko lang. Una, akala ko kasi grounded ako e. Pero sinamahan ako ni Alexander sa bahay pag-uwi. Tapos nag-explain sya kay Mommy at Daddy kaya I'm a free young lady. Pangalawa, ewan ko ba. Basta umuwi ako ng bahay nang masaya galing kay Alexander. Syempre magkaibigan naman talaga kami. Basta, weird.



"Bulaga!" (O_O) Nakakainis talaga 'tong si Jessica.



Nakahawak ako ngayon sa dibdib ko dahil sa sobrang pagkagulat. Bwisit ka Jessica. Sumigaw banaman sa likod ko.



"Ay sorry...nagulat ba kita Beshie?"



"Muka bang nainformed ako na gugulatin mo ako?" (>_<)



"E sorry. Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi ka tumitingin."



"Weh? Wala ka akong naririnig."



"Pano kasi...tulaley na tulaley ka dyan. Anyare?" Nagsisimula na sya.



"Wala naman." smile ulit ako.



"Wala? E diba sumama ka kay Jake?!? Ano nga??!!?"



Naalala ko nanaman ang nangyari last saturday night. Nang sinuntok ni Jake si Alexander tapos kinailangan ko pang mag-overnight sa bahay ni Alex para bantayan sya. Pero hindi ko parin sasabihin. Uungkatin nya ng uungkatin hangang makwento ko na nakakita ako ng abs at nahalikan ako ni Alexander.



"Wala nga Jessica." napakakulit.



"Kwento mo na. Anong nangyari?"



Naizipper ko na ang mouth ko. Hahaha!



Dumating na si Mam, first subject namin.  Kaya hindi na nakapangulit si Jessica. Ganda ng timing ni Mam. ^_^ Sigurado kasi ako na hindi ako titigilan ng babaitang 'to.



Napasilip ako sa pwesto ni Natalie. Nakatingin din sya sakin. She rolled her eyes. May paisnab-isnab pa sya. Hindi ko naman inaano. Bakit nga ako tumingin sa kanya? Hahaha




"Before we start the lesson for today...I want to inform you that the third periodical examination will be on next monday."



Nagtinginan at nagbulungan ang lahat sa mga katabi nila. Required ba talaga?  Haha.



"Sino kaya ang magiging Top 1 this term?"



"Si Anica kaya ulit?"



"Si Natalie ulit ang Top 1. Sure ako dyan."



Puro ganyan ang mga naririnig ko. Well, nag-aaral naman ako ng mabuti. Sa tingin ko naman kaya ko ulit mag-over all Top 1 sa ranking. Kung noong last term ay naawa ako sa babaeng malaki ang bunganga, hindi na ngayon.



"Sa pagkakaalam ko, sa section ninyo nangaling ang Top 1 and Top 2 sa over all ranking. Pwede bang tumayo kayong dalawa?"



Dahan-dahan akong tumayo. Neheheye kese eke e. Kasi naman, magtitinginan nanaman samin ang mga kaklase kong mga palaka. Lalo na sakin. Mga insekyora!



"Natalie right? You got the highest average sa first periodical diba?" habang pinapalo ni mam ang ruler sa kanyang kamay. Nakakatakot sya. Swear! Anlaki pa nang boses.



Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon