Chapter 4

350 48 11
                                    

Chapter 4





Anica's POV




"Antagal naman ni Jake. Anong oras ba usapan nyo?" sabi ni Jessica for the hundred times. Naiinip na kasi.



"6pm nga Jessica. Ang kulit mo." nakailang tanong na sakin.



Si Jessica kasi ang nakamuka kina mommy kaya kung ano man ang masamang mangyari sakin, she's in charge. Haha! Hindi kasi ako nagpasundo kay Jake kasi hindi ko naman sinabi kina Mommy na may kadate ako. Sigurado kasi na may magaganap na interogation. Ang paalam namin ni Jessica e may bibilin lang syang wedge sa Mall.



"Anica. Umuwi nalang tayo. Hanggang 7:30pm kalang sabi ni Tito." Haha! Sya kasi ang mapapagalitan e.



"Hindi pwede. Alam mo naman yung mission ko diba?"



"Yeah right, your mission imposible. Actually Beshie, hindi ko nga alam kung bakit kita sinamahan dito e.  Alam mo namang ayoko nito diba? Ipaalala mo nga sakin. Please!?!"



Pakipaalala nga din kung bakit may bestfriend ako na sobrang supportive. Duh! Dami ng sinabi e. Well, anti-The Princess nga pala 'tong bestfriend ko.



"Tss...e bakit mo pa ako sinamahan??"



"I know you so well Anica. At sure ako na hindi ka makikinig sakin."



Oh well papel, bestfriend ko nga sya.



"And as your bestfriend, I need to protect you from that Jake. Baka gahasain ka e." tapos nagtawanan kami. How I wish. Hahaha! Kidding.



"Oh! Andyan na si Jake." pabulong na sinabi ni Jessica



"Nandito kadin pala Jessica." Jessica just nod at him.



"Hi Anica. I'm really sorry. Traffic kasi." Ngumiti lang ako.



'Really? Mga palusot ko din yan e. If I know, baka may ibang babae pang dinaanan.' sabi ko sa sarili ko.



"Ah. Traffic..." sabi ko nalang. Tumango nalang kami ni Jessica.



"So, lets go inside?"



Baka naman pwede na. Kanina pa kami nandito sa labas ng resto. Ayoko namang pumasok kami doon tapos nakanganga lang kami while waiting for Jake. Baka sabihin pa ng mga tao e wala kaming pambili dahil wala kaming inoorder.









Inside the resto, aba gentelman moves si Jake. Inassist nya ako sa upuan saka sya umupo. Pinareserve lang naman nya yung table namin. Siguro isa 'to sa mga "Jake Pafall Moves". By the way si Jessica pala ay solo sa isang table na two tables away from us. Magmamatyag lang samin.



"Sir, here's the menu?" sabi ng waiter na lumapit sa amin.



"Thank you." sagot ni Jake. Then tumingin sakin saka ngumiti.

Angwapo din talaga nitong si Jake ano? Anica! Focus on the goal okay?



After few minutes, dumating na yung orders namin. Bahala syang magbayad nito. Kahit diet ako, dinamihan ko lang naman ang orders. Pero okay lang. Mayaman naman sya at hindi nya ikakahirap to.



"Matakaw ka pala. Andami ng inorder mo." sabi ni Jake tapos nakangiti. Papogi! Wag kang kikiligin Anica. Inhale! Exhale!



"Hindi naman masyado. Totoo nyan, diet pa nga ako e." sabi ko saka sumubo ng Spaghetti. Ito lang naman ang plano kong kainin sa dinami-rami ng mga pagkain na nasa harapan ko. My favorite!



Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon