Chapter 2

393 63 12
                                    

Chapter 2




Anica's POV



"I knew it. Kaya pala Anica. Kaya pala ang lagkit-lagkit ng tingin mo sakin tuwing nakikita mo 'ko." sabi ni Jake.




Iba din tong lalake na to e! Grabe ang confidence sa sarili. Angkapal kapal ng muka. Masyadong mataas ang tingin sa sarili nya. GGSS lang? Well, kaya maraming naloloko.




Feeling so awkward. Exit na Anica!



"Ahh Jake, excuse me ha? I think kailangan ko munang pumunta sa restroom."




Sabi ko tapos umalis na ako. Ang awkward na kaya! Ngiting ngiti ang heartbreaker. Ano bang akala nya? Totoong gusto ko sya? Kung hindi nya ako type, mas lalong hindi ko sya type. Over my beautiful face and sexy body. Pwedeng masuka? Kadiri banaman kasi! Sinabi ko na I like him kahit hindi naman. Duh! I wonder kung anong iniisip nya. Iniisip kaya niya na may bago nanaman syang lolokohin? No! No! No! Wag nya akong susubukan. Ayokong masaktan no! Wait, bakit ba ako masasaktan e mission lang naman to para sa ikauunlad ng social status ko. Hahaha!  Masasaktan lang naman ako kung mafafall ako sa kanya. Eeew! I can't even imagine. Sya dapat ang mafall sa kagandahan ko and when he fall I swear, hinding hindi ko sya sasaluhin. Wahahaha!





Tumunog ang cellphone ko. Someone's calling me. Tumatawag si Natalie. Sasagutin ko ba o hindi? Damn! Nakakastress...




Natalie's POV




Nakailang ring na pero hindi parin sinasagot ni Anica ang tawag ko.



"Antagal sumagot ha?" sabi ko.




Tumawag lang ako sa wanna be na 'to para makahingi ng update. Mukang hindi naman kasi nya ginagawa ang trabaho nya.



"Sorry Natalie..Nag-usap kasi kami ni Jake. Diba nga yung mission ko?"




Well, mabuti naman. Ilang days na ang nakalipas pero ngayon palang sya kumilos.



"Good" sabi ko.




Hindi na sya nagsalita. Ano ba? Ginagawa ba nya talaga ang trabaho nya? My Gosh!



"and?" dugtong ko.




"Sinabi ko na gusto ko sya."-Anica





"Verry good Anica. Make sure that he'll fall for you."



Sabi ko sa kaniya and pinatay ko na yung call. Atleast ginagawa na niya yung trabaho nya.



"Any update?" sabi ni Emerald.




Nandito kami sa school cafeteria. Kami lang tatlo. As usual, kami parin ang center of attraction. Goddesses of St Jude Academy. Tag as the Dyosa. Kaya naman si Anica ay handang maging slave to be one of us.




"Yeah! She finally start doing her job." sagot ko kay Emerald.




"Girls, hindi ba masyado tayong harsh kay Anica? I mean, she deserves to be one of us. Maganda sya and mayaman din. I stalked all of her SNS and okay yung dami ng followers nya just like us. Can we just let her in?" sabi ni Kelly.




Ganyan lagi si Kelly and naiinis ako kapag ganyan sya. Bait-baitan. Pero hindi, I' am the leader and ako ang masusunod.





"Sino bang leader dito?" I said sarcasticly sabay taas ng kilay.





"Okay." sagot nalang nya. Ganyan din naman sya lagi, hindi makasagot.




Hindi. Hindi pwedeng ganun ang mangyari. Ngayon pa na nakahanap ako ng chance para makagante kay Jake. Napakalinaw pa sakin ng lahat ng ginawa nyang pangloloko. Its been 3 months since the day na naghiwalay kami. Tatlong buwan na mula ng nahuli ko sya na nakikipaghalikan sa ibang babae. Hindi lang isang beses ko syang nahuli. Kung hindi katext, kachat or magkasama sila sa labas. Iba-ibang babae, and yung last? I came back to my senses and decide na ayoko na. Hindi lang three months na iyak ako ng iyak. Sobrang sakit ng ginawa nya. That made me hate him. I hate him so much. Si Anica? Matutulungan nya ako para makapaghigante sa lahat ng sakit na ibinigay sakin ni Jake Michael Monteverde.




Anica's POV




Iniisip ko parin yung sinabi ko kay Jake. Kadiri talaga. Hinding hindi ko magugustuhan si Jake dahil kilala ko sya. Manloloko sya at ayoko masama sa listahan ng mga babaeng niloko nya.




Nagpop yung messenger ko. One message request. Sino kaya 'to.




"Hi Baby Anica."




Guess who? Si Jake. Pwede umiyak?





Accept or Delete? Syempre accept. May kailangan ako sa lalaking ito e.




"Hi Jake. Hihi." reply ko. Kakaiyak magpabebe.




"Hindi ba dapat Baby Jake?" sabi banaman. Such a feeler. Gusto ko sanang sabihin na "Why would I?" pero hindi pwede. Kaya tiis ganda lang Anica.




"Angbilis mo naman." sobrang bilis naman kasi talaga. Kaiinis.




"E baka kasi makuha ka pa ng iba Anica."




Huh? Seryoso ba sya? Ay, heartbreaker nga pala this guy. At ang tipo ni Jake ay hindi nagseseryoso dahil wala sa vocabulary nya ang salitang serious. Asa naman akong totoo ang sinasabi ng unggoy na 'to diba? Bakit ba ako aasa? Ano bang pakialam ko kung manloloko sya? Bakit andami kong tanong? Hahaha...This time sya naman ang makakaranas kung anong feeling ng niloloko. Antayin mo Jake. Igaganti ko ang lahat ng kababaihang niloko mo.




"Pwede ba tayong lumabas? On a date?"




Anong isasagot ko? Porket nalaman nya na may gusto sa kanya yung babae yayayain nyang lumabas and akala ko ba hindi nya ako type. Hindi to seryoso, I knew him so well.




"I'm serious Anica."




Oh Gosh! Papayag ba ko?





Baka pagtripan lang ako ni Jake. Pero kailangan ko si Jake para sa mission ko. Should I say yes?






---------

Papayag kaya sya sa date proposal ni Jake o hindi? Dont forget to give comments chingus! Chapter 3 will be posted tomorrow. 💘

P.S
This Chapter is dedicated to Natalie para makilala nyo rin sya.

Follow me on Wattpad and IG: @RenrenWP 😊

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon