Chapter 24

36 4 0
                                    

Jake's POV




"TANGGAPIN MO NA BABY!" Medyo malakas na ang boses ko.



Pinagpipilitan ko kasi kay Anica 'tong bulaklak at stuff toy na babaeng monkey. Para may partner din 'yung baby monkey namin na stuff toy na una kong binigay sa kanya. Para sweet.



By the way, Anica is my girlfriend now. Kinikilig parin ako kapag naaalala ko 'yun. Anlakas ang epekto nya sakin. Grabe.



"Ayoko nga, e! Napakacorny mo naman kasi. Kailangan ba talaga na may weeksarry pa?"



Corny ba talaga? E basta! One week na simula ng naging kami. So dapat icelebrate 'yon.




"Baby, pogi please." Nagpuppy eyes ako.


Pero hinampas nya ang pisnge ko.




"Oh my gosh Jake. Tigilan mo nga 'yang pagpapuppy eyes mo. Para ka kayang bakla!" Bat ba angsungit ni Anica ngayon.



"Sige na nga." Sabi ko nalang at umupo sa tabi nya sa bench na inuupuan nya. "May problema ka ba?"



Bumaling sya ng tingin sa kaliwa tapos umiling.



"Anica kung may problema ka, tell me okay? I'm your boyfriend now." Inakbayan ko sya at dahil dito ay napatingin sya sa akin. "You can tell me everything, understand? Alright! Kahit hindi mo na tanggapin ang mga 'to, just tell me what is happening." Dagdag ko pa.



"E kasi, hindi ako naging top 1 ngayon sa ranking. Tapos namimiss ko pa si Alexander." Kasabay nito ay ang pagtungo nya.



Akala ko okay na sya tungkol 'don. One week kami na laging magkasama pero hindi naman nya nababanggit pa ang mga bagay na 'yon.



"Anica, listen to me." Tumayo ako sa harapan nya at inangat ang muka nya. "Alam mo ba na hindi ka lang basta maganda? You're more than just a preety face. Mabuting tao, mapagmahal sa mga kaibigan at sa pamilya mo. Matalino ka din. Dahil matalino ka, alam ko na kakayanin mo ulit maging top 1 sa last quarter ng school year na and base sa kwento mo, sabi naman ni Alex e kailangan nya umalis ng bansa para sa sarili nya diba? He's not blaming you for anything. Kaya hindi ka dapat malungkot, okay baby? Smile!!" She nod while tears are falling from her eyes and tried to make a fake smile.



Pinunasan ko ang luha nya gamit ang hinlalaki ko and kissed her forehead. "I love you Baby." sabi ko habang nakatitig sa mga mata nya.



"Mas mahal kita, Baby Jake." Tumayo sya at niyakap ako. Well, kinikikilig talaga ako. Pero easy lang.



Hearthrob lang naman ng SJA ang boyfriend nya kaya sya dapat ang mas kiligin.



"Kinikilig ka nanaman." Sabi ko habang yakap namin ang isa't isa.



"Angkapal mo naman. Baka ikaw?" Sagot nya na may kasamang paghampas sa likuran.



"Ouch!"



"Ano, hindi kaba kinikilig?" Anya na medyo pasigaw.



Masama ang tingin sakin ng girlfriend ko. Pero maganda parin sya. Aist!



"Syempre kinikilig. Kilig na kilig." Pinisil ko ang cheeks nya. "Cute mo talaga baby."



"Tss...'Wag mo akong susundan. Magagalit ako kapag sumunod ka."




Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at kinuha ang mga dala ko para sa kanya and next? INIWAN AKO DITO. May nagawa ba akong masama? Sinabi ko lang naman na napakacute nya.




Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon