Chapter 7

231 29 0
                                    

Chapter 7

Nandito ako ngayon sa St Jude's Garden. Dito kasi kami magkikita ni Jake. Sabi nya meron syang ibibigay sakin and dito namin napagkasunduan magmeet during break time. Classmate kami ni Jake and kung doon? For sure hot topic kami. Bakit dito? Ewan. Si Jake ang nagsuggest na dito kami. Basta ang natatandaan ko, dito ko sinabi kay Jake na gusto ko sya.

~Till I met you, I never knew what love was. Till I met you, this feeling seems to grow more. Everyday I love you more each day...~

Bakit? Bakit tuwing nandito yata ako ay naririnig ko ang song na 'to. Everytime na nandito ako biglang nagpeplay sa song list ko. Soundtrip muna kasi ako habang hinihintay si Jake. Palagi nalang ako yung naghihintay e ako yung babae.

May kumuwit sa likuran ko. Nakaupo kasi ako sa bench.

"Huwag ka munang haharap." si Jake pala. May surprise sya? Kalokohan. Asa naman ako. Kapag ito talaga kalokohan lang, ewan ko magagawa ko sayo Jake.

Tinangal ko muna yung earphone sa tenga ko.

"Pwede na."

Tumayo ako at humarap sa kanya. Lord! Bakit po ganito? Bakit po pinapakilig nyo ako masyado.

"Nagustuhan mo ba?" nagustuhan ko daw ba itong monkey stuff toy na binigay nya sakin.  Sasabihin ko bang oo? Papaninidigan ko muna ang bansag sakin ni Jessica bilang Queen of Pabebe.
"Pwede na." sabi ko habang nakatingin sa binigay nya. Kahit na gusto kong sabihin na gustong gusto ko at sobra akong kinikilig. Pero bakit kaya monkey? Umupo ulit ako tapos umupo rin sya sa tabi ko.
"Para saan 'to? Bakit mo pala ako binigyan? Saka bakit ungoy e pwede naman na Bear diba."
Queen of Pabebe nga ako diba? Kaya kunwari di ko naappreciate at choosy. Haha
"Huow! Dahan-dahan naman sa questions. Gusto mo ba o ayaw mo. Kukunin ko nalang 'yan." I cannot. Wala ng bawian.
"Sabi ko nga pwede na diba? I just wanna know."
"Peace Offering? Basta gusto ko maalala mo ako lagi." sagot nya. Pinanindigan na pala nya ang pagiging ungoy haha.
"Weh? Hindi ka sure. Saka bati na tayo diba?"kikiligin nanaman ba ako?
"Basta tanggapin mo nalang 'yan. Tapos tanggapin mo ako sa buhay mo." OMG!

Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Ano ba 'tong si Jake? Pakiramdam ko umiinit ang katawan ko.

Tumingin ako sa kanya. "Anong sabi mo?" Tumingin rin sya sakin. "Sabi ko tanggapin mo ako sa buhay mo. Anica, can I court you?" then he hold my hands. Oh my gosh. Liligawan ako ni Jake? Should I say yes? OMO!
"Jake-" wala akong masabi. Speechless ako.  "Huwag ka mapreassure Anica. Pwede mong pag-isipan. Hindi ko hihingin ang sagot mo ngayon." Oh my gosh. I can't say a thing but oh my gosh. Well, this will help me para sa mission ko. Pero oh my gosh parin. 😭😍 Nakatingin parin sya sakin habang nakangiti. Then tumingin sya sa watch nya.
"Malapit na mag-time Anica. Balik na tayo sa room?" sabi nya. Haist, mag-iisip pa ako kung anong isasagot ko sa kanya.

Tumango lang ako sa kanya at tumayo. Sabay kami naglakad papuntang room. Everyone in the hallway was staring at us. Nakatingin samin. Nakatingin sa stuff toy ko. Mga insecure nanaman. First time in my life nangyari sakin ito. OMO! Im taking advantage lang naman sa situation para sa Mission ko. Wag nyo ko awayin please! Anlakas maka Oh my gosh ng araw na 'to. As in OMG! 😫😫

Natalie's POV

Anica deserves an applause. Magaling. Mukang nahuhulog na si Jake sa bitag. Huwag lang sya maunahan ni Jake sa panloloko nya. Buti nalang matalino ako para maisip na gawin ang pagset-up kay Jake at kay Anica. I wonder what happend that night. Eeew!

"Hi Natalie." sabi ni Anica. Nagsmile ako at kumaway. Jake give me a stare and smile at me. Well, Im in a good mood today since nakikita ko na gumana ang plano ko and kakampi ko ang destiny sa gusto kong mangyari. Hindi lumapit samin si Anica at umupo na malapit sa pangit na si Jessica.
"Napakasweet ni Jake." sabi ni Kelly. Tinaasan ko ng kilay.
"Sorry." kagaya ng usual, takot naman sakin si Kelly.
"Girl, diba ginawa din sayo ni Jake dati 'yan?" sabi ni Emerald.
"Yeah. Kaya kailangang bilisan ni Anica ang mga kilos nya. Baka maunahan sya ni Jake na maloko like what he did to me." I answerd.
"Tama. Ow. Nandyan na si Ms. Montealegre." -Emerald

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon