Chapter 22

99 4 0
                                    





Chapter 22



"SINO ANG NAGBIGAY NG PERMISSION SA INYONG LAHAT PARA MAGCONDUCT KAYO NG BASKETBALL GAME? AND WORST SA LABAS PA NG SCHOOL HABANG DALA DALA NYO ANG PANGALAN NG ST. JUDE!? ANSWER ME! SINO?" Galit talaga si Ms. Rebutica. Bawat word na sinasabi nya e ramdam ko na ineemphasize nya talaga. Swear, ayoko ng ganito. Natatakot ako. Plus yung ilong nya lumalaki lalo ang butas. Pati yung eyeballs nya parang lalaglag na.



"MS. LEE! ANONG KINALAMAN MO DITO?"



'Oh no!?! Wala po Mam, wala po talaga. BOYS! SUMAGOT KAYO!' sabi ko sa isip ko lang.



"Mam, wala po syang kinalaman dito." Mabilis na sagot ni Jake.



Napatingin ako sa kanya, nakatingin rin sya sakin.



"UULITIN KO. SINO ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO?"



"Mam...a-a-ako po." Tumayo si Lemon.



"Finally. Umamin ka din. As I expected!"



"Now, please let them leave." Matapang na sinabi ni Lemon.



Nakatingin kaming lahat kay Lemon. Kasi naman e, siguro pare-parehas kami ng nasa isip na walang aamin para walang masuspend. Pero etong si Lemon, umamin. Basag trip! Anyway, mas magiging mahirap siguro kung walang aamin  kasi sobrang dami ng ebidensya. WTF!



"Are you instructing me?" Sabi ni Ms. Rebutica. Swear!?! Pangkontrabida lang yung aura ng Principal namin. Sungay nalang para perfect na.



"No mam. Its just....they should not be here. Ako lang po ang responsable sa kung ano mang nangyari dahil idea ko po yun." Pinapahanga ako ni Lemon. Clap clap.



"Kung ikaw lang ang responsable sa nangyari. Paano nyo ieexplain ang mga pasa at sugat sa muka ng dalawa pang lalaki na kasama mo? Aber?"



"Mam... I'm telling you. Ako lang ang responsable dito. If you'll suspend me? Be it, edi suspended. Basta ako lang po."


"Ms. Rebutica. Naniniwala po ako na responsable din ako sa nangyari kahapon." Si Alex.



"Ako din Mam. Kaya kami may mga pasa sa muka e dahil nagkainitan po kami ni Alex sa laro. Umabot po na nagkasuntukan kami. Kaya kung sino man po ang responsable sa nangyari kahapon....maniwala po kayo. I'm part of it. And Lemon? Gusto lang po nyang makatulong." Si Jake.



Nakatayo na silang lahat habang ako nakatingin lang sa kanilang tatlo. Naguguilty ako kasi ako naman yata ang may kasalanan at painagmulan ng lahat.



"Alex..Jake..." sabi ni Lemon tapos umiiling-iling sya. Alam kong ayaw nya na masuspend kaming lahat kaya he take full charged sa kung ano mang punishment. Pero para kay Alex at Jake, kung masususpend man e kailangan kasama sila. Hays...ewan ko ba pero ang complicated ng mga lalake.



"Sit down. I understand." Sabi ng principal namin kaya muli silang umupo.



"How about you Ms. Lee?" Kanina pakontrabida yung delivery ng mga lines ni Mam Rebutica pero ngayon, PAHORROR na. Promise!?!



"M-m-m-Mam.." utal utal kong sinabi.



"Mam, Anica should not be here. Please let her leave."



Si Jake...nakatingin ako sa kanya. Nakatingin din sya sakin na parang nangungusap ang mga mata nya at sinasabing 'Sorry Anica. Hindi ka dapat kasali dito'.



Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon