Chapter 11

225 19 9
                                    

#STHFirstKiss

Jake's POV

"Anica? can you please join with me tomorrow?" I asked her.

"Bukas? Why? Anong meron?"

After 3 days, pwede na ulit lumabas si Anica. Well, thanks to myself. Nagsorry kasi ako kina Tito Ernan at Tita Amy. Kung bakit sya grounded, kasalanan ko. So ako din talaga ang dapat makipag-usap.

"I have a photoshoot. Weekend naman bukas, and hindi ka na grounded right? Maybe...you can join me?"

Hindi sya sumasagot. Nag-iisip siguro.

"Yeah..I can join you tomorrow."

Lumaki ang ngiti sa labi ko.

--------

Sinabi ko kay Anica na susunduin ko sya sa kanila. Pero ayaw nya. Busted na daw ako kapag nagpunta ako sa bahay nila. Natakot naman ako, baka gawin nya talaga.

"Diba kaya ko pumunta dito ng ako lang?" pagkarating nya sa gate ng hacienda, location namin.

Medyo malayo 'to kaya natakot ako na pupunta sya na mag-isa. Pacommute lang sya kaya natatakot talaga ako. Nagtaxi sya mula sa syudad, bumaba sya sa terminal at sumakay sa Bus papunta dito.

Tanay, Rizal ang location namin. Maganda dito. Madaming puno, mahangin. I love places like this one.

"Are you okay?" hinawakan ko ang kamay nya.

"Okay lang ako." she touched my cheeks tapos kinurot nya ako.

"Ikaw ha, sinasaktan mo ako." pagbibiro ko.

Lumalapit sya sa pisngi ko. Hahalikan ba nya ako? I closed my eyes.

"Ouch!" sinampal nya ako.

"Asa ka naman. Look at you. Namumula ka, got you!" tapos iniwan nya ako doon at nauna ng naglakad. Nakita ko na 'to. Mukang gumaganti sya sakin. Oh no! Nakita nya akong namumula. Unang beses na nagblush ako dahil sa isang babae. Damn it Jake! Nakakahiya ka.

"Nasan naba si Natalie?" sabi ng Photographer namin.

"Two hours na natin syang hinihintay." sabi naman ng client na pabalik-balik sa paglakad. Halatang naiinip na at naiinis.

"I'm so sorry Sir. Malapit nadaw sya." sabi naman si Kuya Ken.

Si Kuya Ken ang handler namin. Modeling, dito ako kumikita ng sarili kong pera. Yes, mayaman kami and I have a daily allowance na sobra-sobra. Pero iba yung pakiramdam kapag kumikita kana ng sarili mo.

Hindi sinabi sakin ni Kuya Ken that Natalie is with us today. Kasama ko si Natalie sa modeling agency, doon rin kami naging close though we're classmate na bago mangyari 'yon. Mali pala, sa modeling agency ko sya pinansin at naging close kami. Kasi sa classroom, lapit sya ng lapit pero I keep on ignoring her. Hindi naman sa hindi ko sya type, maganda si Natalie. Sadyang ayoko lang sya patulan dahil masyadong kilala ang family nila because of business. Naisip ko na what if masaktan ko sya,  issue yun dahil kilala rin ang pamilya ko dahil rin sa business. Pero dahil makulit si Natalie, I played on her. Glad dahil mukang hindi naman nagsabi si Natalie sa parents nya about samin. In the end natauhan ako and now, I have Anica in my life.

"I'm sorry Kuya Ken. I'm sorry po sir." biglang dumating si Natalie at may kasamang body guards na buhat buhat ang mga bagahe nya.

"Jake...nandito din pala si Natalie?" aist..hindi ko rin alam na nandito pala si Natalie ngayon.
Hinawakan ko ang kamay nya."Hindi ko rin alam. Hindi sinabi sa akin ni Kuya Ken." Tumingin sya sa akin.

"It's okay honey."Sabi ni Kuya Ken. "Dun kana sa tent. Magprepare ka na. Bilisan mo Natalie ha? I'll put you some make up pa." malambot ang pakakasabi ni Kuya Ken, he's gay.

Seducing the Heartbreaker (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon