Chapter 3: Favor

31 1 0
                                    

Lunes.

May pasok na si cathy. Ang aga ko gumising para maihatid siya. Ganun naman palagi pero this time may kailangan ako sa kanya. I will ask her a favor.

Habang nasa saaakyan..

"Cathy, baka naman pwedeng alamin mo yung......" Di ko na natapos yung sinasabi ko kasi sumingit na siya.

"......., yung name nung band vocalist na girl nung saturday?" Sabi niya.

"Paano mo nalaman?" Nagtataka talaga ako kung paano nalaman ni cat.

"Kuya naman. Nung prom namin halos sa kanya na nakapako yung mata mo. pag nawawala talagang hinahanap ng paningun mo noh!" Sagot niya sakin. May kaunting angas.

"Pasensya na cat ha. Napansin mo pala. Pasensya na talaga." Todo hingi ako ng pasensya sa kapatid ko.

"Hayaan mo mamaya sa vacant period namin pupunta ko s student council at itatanong ko yan. Magkita nalang tayo sa bahay.

Nasa school grounds na kami nung sinabi yun ni cathy. Bago siya bumaba, nagpasalamat ako. Tapos nun dumiretso na ako s resto.

Sa resto.

Ang haba naman ng araw na 'to. Gusto ko ng umuwi para malaman kung may balita na si cathy. Sana naman meron na talaga. Naiinio na din ako dito sa office. Kailangan ko ng diversion. Sinubukan kong maglaro muna sa pc ko para pampawala ng anxiety. Effective naman. Wala naman kasi masyadong paperworks dahil natapos ko na kahapon. Di ko na namalayan ang oras. 6pm na pala. Uwian na at talagang excited ako.

Past 7pm na ng makarating ako ng bahay. Traffic talaga pag rush hour. Sinalubong ako ni lola sa may front door at inalok na kumain na. Nagmano naman ako at hinalikan siya sa pisngi, sinabi ko na mamaya na ko kakain dahil kailangan kong makausap si cathy. Tinuro niya ang kwarto ni cat. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Patakbo akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ni cathy. Kumatok ako.

"Cat, andyan ka na ba?" Habang kumakatok. Binuksan ni cathy ang pinto pero nakasimangot siya. May inabot siya sa akin na papel. Nakasulat dun ang member's profile. Hinanap ng mata ko sa papel yung name ni girly. Nakita ko.

Name: Ena Perez

Position: Vocalist

Ngumiti ako. Nakita ko din ang address ng agency kung saan siya talent. Nakasimangot pa din si cathy.

"Bakit ka ba nakasimangot?" Tanong ko.

Tinalikuran ako ni cathy at ibinalibag ang pinto. Nagulat ako. Loko to ah. Anung nangyari dun bakit ganun. Nasa isip ko. Nagtataka ako sa kinilos ni cathy. Nagpunta nalang ako sa room. Nakangiti pa din. Lintek! Naka-plaster na ata sa mukha ko eh.

Inilagay ko ang papel sa desk ko at bumaba para kumain. Kasabay ko si Kuya Alex. Panganay namin pero gaya ni dad, di kami masyadong nag uusap. Seryosong tao si kuya. May sarili siyang mundo. Kumain nalang ako. Pagkatapos umakyat sa kwarto. Naligo. Nagbihis. Natulog. Excited ako para bukas.

030214

R. Go

All Rights Reserved

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon