Chapter 7: Different Phases

17 0 0
                                    

Chard's POV

Naglabasan na ang mga estudyante mula sa kani-kanilang room. Nakita ko si Ena, nagliligpit na din ng mga gamit niya. Mukhang di naman siya cleaners. Maya-maya lumabas na din siya. Hindi lang pala ako ang naghihintay sa kanya. Sa tingin ko sa grupong yun ay mga tropa niya.

"Ena hindi ka ba sasabay samin maglunch?" Tanong nung isang babae, medyo maiksi ang buhok.

"Una na kayo. May pupuntahan pa kami eh. Pass muna." Sabay lapit ni Ena sa akin.

"Si Ena talaga. Pinapasundo ka na naman ba ni Tonying?" Tanong pa nung isa. Sino si Tonying?! Ayaw pa kasing umalis nitong mga barkada niya eh.

"Hahahahahaha. Una na nga kayo! Mga intrigera talaga kayo eh noh?!" Tumatawa si Ena. Ang sarap pakinggan.

Hinawakan niya yung kamay ko. Na naman. Pababa na kami ng hagdan. Nakangiti siya. Napansin ko yung bag niya. Maliit lang yun. Sakto lang pang-notebook.

"Ah Ena akin na yung bag mo." sabi ko.

Inabot niya sakin yun. Lintek! Mabigat pala kahit maliit. Inalalayan ko siya pero hawak ko pa din yung kamay niya. Hinihila ko siya ng marahan papuntang sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng passenger's side, sumakay siya at inabot ko yung bag niya. Umikot ako sa likuran para makasakay sa driver's seat. Nang sumakay na ako nakita kong nagkakabit na siya ng seatbelt. Pinaandar ko na ang kotse. Palabas na kami ng school ng tanungin ko siya.

"Saan mo gusto kumain? Name it basta treat ko." Di siya naimik. Hinayaan ko lang. Medyo malayo na kami sa school nung nagsalita siya.

"Ihinto mo yung sasakyan at bumaba ka." Nagulat ako. Bigla kong natapakan yung preno. Napatingin ako sa kanya. Emotionless na naman yung mukha niya. Napaka-cold hearted naman nitong babaeng ito.

"Ano yung sinabi mo?" Pinapaulit ko sa kanya pero malinaw ang dinig ko kanina.

"Bumaba ka ng kotse tutal naihinto mo na naman na." Sabi niya.

Nilibot ko yung paningin ko. Wala akong makitang malapait na kainan so bakit ako pinapababa ng babaeng ito? Bumaba na siya ng sasakyan na naging dahilan para bumaba din ako. Pumunta siya sa tabi ko at alam niyo ba kung anong ginawa niya? Sumakay siya sa driver's seat at bago niya isinara ang pinto ay sinabihan na niya akong sumakay ulit. Malamang sasakay ako sa passenger's side diba?! Pero nakatayo lang ako sa labas. Ibinaba niya ang bintana.

"Ano? Tatayo ka lang ba diyan o sasakay kana para makaalis na tayo at makakain? Di ba sabi mo di ka pa nag-aalmusal?" Sabi niya.

Ako naman sunud-sunuran nalang. Sumakay ako. Wala akong kibo. Ano ba ang nasa isip ng babaeng ito at pinababa ako? Wag mo sabihin sakin na marunong siyang magdrive?! Katorse lang siya. Naramdaman ko nalang na umaandar na kami. Syete! Marunong nga siyang magdrive! Katorse lang siya magaling na siyang humawak ng manibela, papasa na ngang professional driver samantalang ako bente-uno na nung nagsimulang mag aral magmaneho. Take note! Nag-aaral pa lang ako mag-drive nun.

Huminto kami sa isang lugawan. Tanghaling tapat lugaw?! Pating naman talaga. Di pa din siya naimik. Bumaba na siya. Sumunod ako. Bitbit ko yung bag niya at ibinigay yun sa kanya. Nginitian niya ko. May sapi ata si Ena. Kanina walang emosyon ngayon naman nakangiti na. Mahangin sa lugar na un. Presko. Maaliwalas. Meron pa palang ganito sa gitna ng siyudad. Narinig ko nalang na kausap niya yung tindera ng lugawan.

"Kamusta na kayo manang?" Bati niya.

"Oh Ena hija. Ok lang naman ako. Ngayon ka nalang ulit pumunta dito ha. Ikaw? Kamusta ka? Akala ko nakalimutan mo na kami eh. Ahaha." Tugon nung matanda.

"Busy po kasi sa school manang saka alam niyo naman pong malapit ng matapos ang school year kaya marami na pong activity sa school. Kayo naman po nagtatampo na agad. Di naman po ganun kadali malimutan yung lugaw niyo at syempre kayo po manang! Kaya nga po binabalik-balikan namin kayo eh. Hahahahah." Malambing na sagot ni Ena.

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon