Ena's POV
Lumabas ako ng room at nandun pa din si kuyang maputi na matangkad .. Nakita ko naman sila Apple sa may hagdan ..
"Ena hindi ka ba sasabay samin maglunch ?" Tanong ni Brit ..
"Una na kayo .. May pupuntahan pa kami eh .. Pass muna !" Sagot ko kay Brit.
"Si Ena talaga .. Pinapasundo ka na naman ba ni Tonying ?!" Sabat naman ni Apple ..
Napatawa ako .. "Hahahahahaha .. Una na nga kayo ! Mga intrigera talaga kayo eh noh ?!"
Tuluyan ng bumaba ng hagdan sila Apple, maigi nalang wala silang masyadong sumpong kundi kukulitin nila si kuyang matangkad na maputi .. Nakakahiya naman ..
Nilapitan ko si Richard at hinawakan ko yung kanang kamay niya .. Holding hands lang talaga ang peg ! Feelingera din ako eh ! Hahahaha .. Nakangiti ako habang nababa kami ng hagdan .. Ewan ko hindi ko ma-explain .. May something sa kamay niya .. Ayoko na ngang bitawan eh .. Hiningi niya yung bag ko para dalhin .. Sweet din .. Hahahahah .. Marahan niya akong hinihila .. Pero teka saan ?! .. Sa may harap ng building .. Bakit ?! Nakita kong may inilabas siyang susi galing sa bulsa niya at itinutok niya yun sa isang sasakyan .. Shucks lang .. May sasakyan siya ?! Ang gara ah .. Binuksan niya yung passenger's side at inalalayan ako pagpasok .. Gentleman ! Feeling ko para akong babasagin na kailangan ingatan .. Isinara niya ang pinto at umikot sa likuran ng kotse saka sumakay sa Driver's seat .. Naglalagay na ko ng seatbelt ng marinig kong pinaandar na niya ang kotse ..
Palabas na kami ng school .. Maraming estudyante sa daan kaya dahan-dagan lang siya mag-drive ..
"Saan mo gusto kumain ? Name it basta treat ko .." Sabi niya .. Nagulat naman ako kaya hindi ako kaagad nakaimik .. Bigla akong tinablan ng hiya .. Nag-iisip ako kung saan kami pwedeng kumain ..
Medyo malayo na din kami sa school .. Naisip ko yung lugawan na madalas namin pinupuntahan ni Tonying .. Masarap dun eh .. Tinignan ko si Richard habang nagmamaneho siya .. Nagulat nalang din ako sa nasabi ko ..
"Ihinto mo yung sasakyan at bumaba ka .."
Naipreno niya bigla ang kotse .. Buti may seatbelt kami kasi kung nagkataon may bukels na ako .. Nag-screech kasi yung gulong kaya alam ko malakas ang impact .. Tinignan niya ako saka inilibot yung paningin niya sa lugar .. Bumaba ako ng kotse dahilan para bumaba din siya .. Alam ko nagulat siya .. Wala kasi siyang masabi .. Pumunta ako sa kanya at sumakay sa driver's seat .. Nakatayo lang si Richard at tulala ..
"Ano ? Tatayo ka lang ba diyan o sasakay ka na para makaalis na tayo at makakain ?! Di ba sabi mo hindi ka pa nag-aalmusal .." Sabi ko ..
Sumakay naman si Richard .. Sa may passenger's side nga lang .. Nagulat din ba kayo ?! Oo at a young age marunong na ako magmaneho .. Driver ang tatay ko so ano ini-expect niyo diba ?! Pero hindi si papa ang nagturo sa akin .. In fact hindi alam ng tatay ko na marunong ako mag-drive .. Walang nakakaalam kundi ako, si Tonying, si Jayvee at ngayon si Richard ..
Mahirap kasi puntahan yung lugawan .. Maliligaw ka kasi maraming pasikot-sikot kaya imbes na ituro ko nalang kay Richard, ako na mismo ang nagmaneho ..
Nakarating kami sa lugawan .. Ang saya lang kasi makakakain na naman ako dito .. Masarap ang lugaw dito ! Hindi literal na lugaw sa dami ng sahog ..
Binati ko ang may-ari ng lugawan .. "Kamusta na kayo manang ?"
"Oh Ena hija .. Ok lang naman ako .. Ngayon ka nalang ulit pumunta dito ha .. Ikaw ? Kamusta ka ? Akala ko nakalimutan mo na kami eh .. Ahaha .." Tugon nung matanda ..
"Busy po kasi sa school manang saka alam niyo naman pong malapit ng matapos ang school year kaya marami na pong activity sa school .. Kayo naman po nagtatampo na agad .. Di naman po ganun kadali malimutan yung lugaw niyo at syempre kayo po manang !Kaya nga po binabalik-balikan namin kayo eh .. Hahahahah .." Sagot ko sa tila nagtatampong matanda ..
BINABASA MO ANG
LOVE: From The Start Until Now
RomanceA true to life comedy-love story that will make you believe that LOVE AT FIRST SIGHT is definitely real and TRUE LOVE still does exists. Fall in love again and all over again through the story of this real-life couple.