Ena's POV
Recess kaya natulog muna ako .. Puyat ako kasi gumawa ako kagabi ng report ko para sa araw na ito .. Naikabit na nung mga classmate kong lalake yung report ko sa board .. Nakisuyo kasi ako sa kanila .. Mababait naman sila eh kasi binigay ko na sa kanila yung ibang sagot para sa quiz mamaya .. Hahahah ..
Nakatungo ako sa desk ko nang may narinig akong naghahanap sa akin .. Hindi ko na tiningnan mukha naman kasing hindi ako kilala .. Alam ko hindi yun si Tonying o kaya si Jayvee- bestfriends ko .. Kilala na kasi sila ng mga classmates ko .. Sa tono nung nagtatanong alam ko hindi niya ako kilala ..
Sumigaw yung classmate kong nagmamaganda- si Fely .. Sinagot naman siya nung mga halos katabi ko ng mga lalaki .. Tropa eh .. Narinig kong nagvolunteer si Fely na gisingin ako pero ang sabi nung nagtatanong wag nalang daw muna .. Maigi naman dahil pagod talaga ang mga mata ko ..
10 minutes lang, iidlip muna ako .. At yun nga ang nangyari .. Nagising nalang ako nung niyuyugyog na ako ni Apple- classmate/friend ko .. Kailangan ko na daw mag-ayos kaya tumayo na ako at inayos lahat ng mga gamit ko na gagamitin sa pagrereport .. Inayos ko yung mga yun sa frontdesk .. Nirereview ko na ang report ko na nasa manila paper at nakadikit na sa blackboard kung meron pa ba akong nakaligtaang ilagay .. Mula sa libro, mausisa kong sinusuri lahat .. Mahirap na baka may nakalimutang importante .. Sa awa ni Lord, wala naman ..
Maya-maya sumigaw na naman si Fely ..
"Ena ! Ayun yung naghahanap sayo oh !" Sinigaw pa talaga niya eh buti sana kung maganda boses ni Fely, alam niyo yung tunog ng pintuan na hindi na nalalagyan ng grasa .. Ganun katinis .. Peste ! Ang dami pa man ding tao dahil patapos na yung recess ..
Tinignan ko kung sino .. Nilingon ko lang .. Shucks ! Totoo ba yung nakikita ko ?! Bakit parang ang gwapo ?! Baka nananaginip lang ako .. Sino kaya sya ? Ang puti .. Ang tangkad .. Mas matangkad pa ata kay Tonying .. Pero sabi nga nila, never lose focus .. May report ako kaya kailangan magconcentrate .. Ibinaling ko nalang ulit yung tingin ko sa report ko ..
Lumapit sakin si Apple, bumulong .. "Ens, kung pwede ka daw makausap sabi nung lalake ?" Nagulat naman ako dun.
"Hoy apple nalapitan mo na agad para tanungin ? Ang bilis mo rin talaga noh ?!" Sagot ko.
"Gaga ! Ayaw mo puntahan eh kaya ako nalang lumapit !" Sabay ngiti sakin ng loka-loka.
"Sabihin mo nalang kung di naman emergency mamaya nalang lunchbreak .. Talaga kasing nagfofocus ako s report .. Kamo pasensya na .." Yun nalang ang sinabi ko na alam kong ipinarating naman ni Apple dun sa lalake ..
Dumating na yung teacher namin, as usual attendance muna tapos tinawag na niya ako para mag-report .. I really love this subject .. Science .. Biology branch .. Matataas grades ko dito .. Aaminin ko sa math lang naman talaga ako mahina .. Hahahahah .. Wala din naman kasing kwenta yung teacher namin sa math .. Hahahahahah ..
All is well naman hanggang sa dumating dun sa Q&A Portion .. Interaction yun between the reporter and the listeners .. Syempre kung may nakaintindi ba .. Ok naman din .. Kailangan na nilang magquiz at wala akong ibang choice kundi lumabas dahil pinalabas na ako ni ma'am .. Nakita ko yung guy .. Alam ko sinundan niya ako ng tingin .. Habang umiinom ako ng tubig lumapit siya at nagpakilala .. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa .. Tama nga .. Hndi ko siya kilala .. Nakikipag-kamay siya kaya nakipag-kamay ako ..
Tinanong ko siya kung ano'ng kailangan niya .. Medyo nauutal siyang sumagot pero inaaya niya ako mag-lunch at treat daw niya .. Sa tingin ko dito sa guy na 'to parang manliligaw .. Yabang ko noh ?! Hindi ako ligawin sa school .. Wala akong alam na nagkaka-crush sakin .. Wala lang talaga .. So pinagbigyan ko si kuyang matangkad na maputi .. Naawa na din ako kasi sabi niya hindi pa daw siya nag-aalmusal .. Hindi din naman ako nag-aalmusal sa bahay eh .. Nagpapahintay nalang ako dahil malapit nang matapos ang klase naman .. Pumayag naman siya ..
So eto po ang first POV ko .. Let me introduce myself guys and gals ..
I am Ena Perez, 14 years old, 2nd year student from a city national highschool ..
Typical student lang ako .. Not so much interesting about me ..
I came from an average family .. My father is a company driver and my mother is a plain housewife na may business .. Panganay ako and i have 2 brothers .. Ok naman ang way of living namin .. Nakakasurvive .. Nagrerent kami ng house sa lolo at lola ko sa mother's side .. Yes, you heard me right .. Kahit lolo at lola ko na we still have to pay the house rent and water usage, syempre iba pa yung kuryente ..
My mother sells halo-halo, ginataan, kamote at banana que, turon, maruya, lumpia, inihaw .. Basta foods, malakas kasi ang food business sa lugar namin .. We also have a small store .. Tinutulungan naman namin ang parents namin when it comes to household chores at pagpre-prepare ng paninda .. After all dun din naman kinukuha yung baon namin diba?! So ayun .. Na-sideline na nga lang ako sa band kasama si Tonying para may pera ako at may pambili ng kung anong kailangan sa school .. Atleast hindi ko na kailangan manghingi s magulang ko .. Binibigyan ko din si mama ng share ko para may pandagdag siya ng paninda .. Ok lang sakin yun kasi like i said dun din naman kinukuha yung baon namin .. Hindi din naman palaging may gig yung band eh .. Saka ang bata ko pa para career-in un noh ?! Aral muna talaga since malapit na din magtapos yung schoolyear .. Naghahabol ako na mapataas pa ung rank ko sa class .. Hahahah .. Kailangan competent diba ?!
Bumalik ako sa loob ng classroom at kinausap ko si ma'am about my report .. All is well pa rin .. Maya-maya nagbell na .. Time for lunch .. May laboratory kami after lunch, science pa din .. Isa-isa ng nag-aayos ng gamit yung mga classmates ko .. Yung iba nagre-retouch .. Hindi talaga ako nahilig mag-ayos ng sarili eh .. Kahit polbo o lipgloss man lang wala talaga .. Inaayos ko na din yung mga gamit ko .. Binabagalan ko nalang talaga para di ako makasabay sa agos ng tao .. Nakita ko si kuyang matangkad na maputi, matyaga talaga maghintay ah .. Sino kaya ito at ano kaya ang pakay niya sakin ?! Binitbit ko nalang ang bag ko at lumabas ..
031214
junedicipulo
All Rights Reserved
A/N:
Hi guys ! First POV ni Ena ito .. Sana suportahan niyo po yung story .. Maganda to ! Pramis ! Yung partner ko ang nakaisip nito, medyo nagkaroon lang ng kaunting discussions for the revisions .. Share kami ng partner ko sa account na ito .. Again po, please support and feel free to comment .. Pakishare nalang din po .. Salamat ! God Bless !
BINABASA MO ANG
LOVE: From The Start Until Now
RomanceA true to life comedy-love story that will make you believe that LOVE AT FIRST SIGHT is definitely real and TRUE LOVE still does exists. Fall in love again and all over again through the story of this real-life couple.
