Chapter 4: Game Plan

26 0 0
                                        

The next morning, wala akong inaksayang oras. I drive off south of the metro to find the talent agency written on the paper my sister gave me last night. Nasa isang exclusive village yun. I feel like searching for her. Sana lang makita ko.

After hours of asking i finally found the agency. Pumasok ako sa loob then i notice everyone is looking at my direction. Maraming tao sa loob. Mostly teenagers. There were also some men and women. May lumapit sakin na guy. Very professional ang attire.

"Hi! Good morning sir. I'm Randolf Perez, talent manager. How can i help you? Bati at tanong niya.

I smiled. Perez din siya baka kamag-anak ni Ena. "Good morning also. I'm Richard Go. Sorry for crashing in. I think you're in the middle of something."

"We were about to start a rehearsal. Ok lang. How can i help you Sir Richard?" Tanong ulit niya.

"I'm looking for Ena Perez. Is she here?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Sorry but she's not here. She comes here only on the weekends sir. Is there something she can do for you?" Pormal na sagot ng talent manager.

"This is too personal. I want to talk to her immediately. Kung alam niyo po kung nasaan si Ena pupuntahan ko nalang. Or kung di naman masama pahingi nalang po ng contact number niya." Pormal din ang sagot ko.

Tiningnan na naman ako ni TM mula ulo hanggang paa. Nakakarami na siya ha!

"Sorry talaga Sir. I believed my talents' whereabout and personal information is strictly confidential. When it is all about business you can talk to me instead." Sorry na naman. I don't need his sorry. I need to see Ena.

"Ganun ba. Sige, babalik nalang ako ng weekends. Salamat ng marami." Nakipag-kamay naman ako and the manager also did the same. Lumabas na ako ng agency. Syete ! Wala man lang ba talaga akong mapapala?! Ang layo kaya ng biniyahe ko para lang sa wala??? Nakakaasar lang oh. Kahit number ayaw ibigay?! Napakamot ulo nalang ako.

Pasakay na ko ng kotse nang may biglang tumawag sakin.

"Teka sir! Si Ena ba ang hanap niyo? Alam ko kung nasaan siya." Sabi ng isang babae na hingal na hingal sa paghabol sakin.

Bigla naman akong natuwa. "Oo si Ena nga. Saan ko siya makikita miss?" Tanong ko.

"Nasa school siya ngayon. Kung gusto mo ibibigay ko sayo yung name ng school at directions kung paano mo mapupuntahan. Hindi ko lang alam kung anung year na niya at kung anong section." Sagot niya habang hinihingal pa din.

"Sige ok lang kahit di mo alam yung year at section niya. Kaya ko naman magtanong. Teka kukuha lang ako ng ballpen at papel." Sagot ko sa kanya.

Pumasok ako sa sasakyan para kumuha ng ballpen at papel tapos ibinigay ko sa kanya. Wala nga palang patungan kaya dun siya nagsulat sa ibabaw ng hood ng sasakyan ko. Tiningan ko yung babae mula ulo hanggang paa. Seksi. Maganda. Ilang taon na kaya ito? Kung anu-ano napasok sa isip ko. Natauhan nalang ako nung inabot na niya yung papel. May sketch at name ng school.

"Salamat dito miss ha! Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko.

"Ay naku sir. Wag mo na alamin. Ok lang. Sige una na ko. Binigay ko lng talaga yan sayo. Ingat po!" Bigla na siyang tumakbo papasok ng agency.

Nasa kamay ko ngayon ang pakay ko sa agency na ito. Kailangan magmadali na ko para makita ko siya ngayong araw na to. Ayoko sa ibang araw. Gusto ko ngayon. Andito na din lang naman ako kaya i-push na ng todo ang effort di ba?!

030214

R. Go

All Rights Reserved

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon