Madali kong nahanap ang school na naka-sketch sa papel na ibinigay ng babae kanina sa agency. Ikaw ba naman may sketch at walang kasing kapal na mukha para magtanong diba?! Buti nalang irresistable ang aking pagmumukha. Hahaha. Ang dali- dali naman palang hanapin ng Ena na yun nagpapakapagod pa ko mag isip kung paano. Hay naku naman. Pagdating ko sa gate ng school nagtanong ako sa guard kung kilala niya si Ena. Hindi niya alam kung sino yun kaya sinabi nalang niya na pumunta ako ng Principal's Office.
Pumasok nalang ako ng school. Pwede naman ang sasakyan eh. Nagulat nalang ako. Bakit?! Ang lawak kaya ng school. As in malaki. Public school siya pero malaki talaga. Andaming estudyante. Syete! Paano ko mahahanap si Ena?! Naalala ko sa Principal's Office nga pala ako pinapapunta nung guard. Nagtanong-tanong ako kung nasaan ang Principal's Office. Nahanap ko yun. Pumasok ako dun at nakita ko ang sekretarya ni principal.
"Good morning po. Andyan po ba si principal? Nginitian ko nalang yung sekretarya.
"Naku hijo wala dito ngayon si ma'am. Mamaya pang hapon yun. Nasa disrict meeting kasi siya ngayon. Ano ba ang pakay mo?" Tanong ng matandang sekretarya.
"Ganoon po ba. Eh kasi ma'am may hinahanap po akong estudyante nyo. Di ko lang po alam kung anong year at section niya. Importante naman po ang pakay ko dun sa estudyante." Sagot ko habang hinahagod ko ng kamay ang aking magarang buhok. Hahahah.
"Ah. Sino ba'ng estudyante ang hanap mo?" Tanong ulit niya. This time inayos niya ang salamin sa mata at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Bakit ba lahat ng tao ganun nalang makatingin sa akin?!
"Ena Perez po ang pangalan. Kailangan na kailangan ko lang po siyang makausap. Importante lang po talaga. Baka naman po kilala niyo." Nagmamakaawa na ako ha.
"Pasensya na hijo. Di ko kilala. Kung gusto mo pumunta ka ng Record's Office. Try mo ipahanap yung pangalan pero alam ko hihingian ka ng request form kasi mga scholastic records ang nandoon. Dun mo malalaman kung anong year at section nung hinahanap mo." paliwanag ni madam secretary.
"Saan naman po ako kukuha ng request form? Saka hindi ko naman po kailangan ng scholastics record eh. Kailangan ko lang po section at year niya. Kailangan ko lang po siyang makausap. Please naman po ma'am." Todong pakiusap na talaga ito!
"Sige hijo bibigyan kita ng pabor pero may kapalit."
Wow ha! May indecent proposal este proposal lang pala. "Sige ma'am anything within my power. Tulungan niyo lang po ako."
"Bibigyan kita ng request form para makakuha ka ng record sa R.O, para malaman mo na din ang year at section ng hinahanap mo. Mukha kasing it's a matter of life and death ang reason mo eh. Ang kapalit lang ay............"
Actually kinakabahan ako sa kompromisong ito. Hahaha. Ano kayang kapalit??? Baka mamaya kung anong hingiin ng matandang ito eh kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto na ubod ng lamig dahil sa nakatodong aircon. Napalunok-laway tuloy ako at feeling ko hindi na ko humihinga.
".........picture mo na kasama mo ko kasi naman hijo mukha kang artista. Malay ko ba kung may balak ka. Atleast kung sakaling maging artista ka may picture na tayong dalawa. Hahahaha."
Nakahinga ako ng maluwag. Whew! Akala ko kung ano na. Hahahaha. Napangiti nalang tuloy ako.
"Yun lang naman po pala. Pwedeng-pwede naman po. At tungkol po dun sa pag aartista malay nga po talaga natin. Sana po magdilang-anghel kayo." Sabay kamot ko sa ulo ko.
Tumatawa si madam secretary. Kinikilig yata. Hahahah. Nakita kong may pinipirmahan siyang request form. Inabot niya yun sakin nung natapos niyang gawin. Sabay labas ng magarang cellphone ni madam. Pumwesto ako sa kanan niya at inakbayan ko siya. Kilig na kilig nga ang bruha. Ilang shots din ang kinuha niya ah. Nung matapos ay nagpasalamat ako. Sinabi din niya na ang Records Office ay kahilera lang ng office ni Principal kung nasaan ako ngayon, nagpasalamat nalang ulit ko at tuluyang lumabas ng office.
Binaybay ko lang yung corridor na kahilera ng Principal's Office kaya madali kong nakita yung Record's Office. Bintana lang siya actually. Iniabot ko yung form at naghintay ng ilang saglit. Lumabas ang isang kamay ng babae. May hawak na scholastic record form. Nakalagay yung pangalan ni Ena. Kinuha ko yun at dali-daling binuksan. Hinanap ko yung latest info niya.
Second year student pala siya. Yung section naman niya ay pangalan ng isang kilalang tao sa kasaysayan ng Pilipinas. Tiningnan ko yung records niya simula nung First Year hanggang last Grading Period nitong second year na siya and i can say matalino si Ena. Maganda ang records niya. Walang pumatak na linya ng palakol. Maintained naman niya at improving pa nga. Lalo tuloy akong humanga. Nung naka-recover ako, tinanong ko yung Records Officer na nasa loob.
"Excuse miss!" Dumungaw naman siya. "Itatanong ko lang po kung saan ko makikita itong section na ito?" Sabay turo sa papel na hawak ko.
Binasa niya tapos sumagot habang sumesenyas ang hituturo niya paitaas. "Sa taas yan! Hanapin mo lang." Suplada si ate. Nagpasalamat na din ako.
Umakyat ako at tiningnan ko ang unang kwarto. Sa pinto pala may nakasulat na'ng section. Siguro naman madali ko ng mahahanap 'to. Nasulyapan ko ang orasan sa classroom na yun. Malapit na palang mag-10. Di pa nga pala ako nag aalmusal. Pinagpatuloy ko ang paglakad .. Pangalawang pinto.... Pangatlo.... Pang-apat.... Panglima.... Pang-anim.... Pangpito.... Pangwalo.... Pangsiyam.... Jackpot!!! Nakita ko din! May klase pa sila. Sumisilip ako sa loob para tingnan kung eto na ba talaga ang section na kinabibilangan ni Ena. Hinahanap ko siya. Lintek! Bakit hindi ko makita??? Mukhang masungit na talaga yung teacher. Lalake eh. Di ko magagamitan ng aking super charm. Tumunog ang bell at lumabas na si teacher.
030214
R. Go
All Rights Reserved

BINABASA MO ANG
LOVE: From The Start Until Now
RomanceA true to life comedy-love story that will make you believe that LOVE AT FIRST SIGHT is definitely real and TRUE LOVE still does exists. Fall in love again and all over again through the story of this real-life couple.