Chard's POV
February 2004
Saturday Night
Hotel Lobby somewhere in Manila
Date ako ni Cathy s prom niya. si cathy ang bunso kong kapatid. nasa 4th year high school na siya. may nakita ako sa lobby na isang babae. teenager. mga nasa 4feet something ang height pero mukha na siyang full grown woman. morena. in a little black stunning dress and her hair was properly pinned in place. nagandahan talaga ako.
Tinanong ko si Cathy.
"Sis, kilala mo ba yun?" sabay turo ko. Nilingon naman ni Cathy.
"Hindi eh. Alam mo namang pwedeng pumasok ang outsider dito basta may invitation diba?! Bakit kuya type mo ba?" tanong nya.
Nagulat ako sa tanung ni cat pero kinutusan ko nalang siya at di ko na sinagot ang tanong niya. pero teka type ko nga ba?! masyadong bata. mas bata pa kay cathy baka makasuhan akong child abuse. siguro paghanga. tama! humanga lang ako pero di ko siya type.
may lumapit na guy dun s girl. date niya yata. inakay nung guy yung girl s likod at humawak naman si girl sa braso nung guy. ang babata pa nalandi na! pero bagay sila. dumiretso sila sa event hall at halatang masaya sila. nagtatawanan eh. ganun na lang din ang ginawa namin ni cathy since malapit na magstart ang event nila.
sa event hall.
ang daming tao. di ko na nga nakita yung girl. si cathy lagi akong bitbit at pinapakilala sa mga teachers, classmates at friends niya. finally nag announce na ang emcee na magsiupo ang lahat at magsisimula na ang event.
"may we have your attention please." sabi ng emcee. " let us bow our heads and close our eyes as we ask for the blessing of our lord." tama! magdadasal pa nga pala. ilang saglit lang ok na.
"let's welcome on stage our guest band for tonight. let's give a round of applause for the H & S Band!" announce ng emcee na sinabayan ng palakpak ng crowd.
nakita kong umakyat sa stage yung babae na kanina ko pa tinitingnan kasama yung lalake na umakay sa kanya. don't tell me kakanta siya. nagsimula na silang tumugtog.
KING AND QUEEN OF HEARTS
syete! ang ganda ng boses ng batang ito! vocalist ba siya?! malamang siguro. banda daw eh. di na ko nakakilos. pakiramdam ko nakapako na ko at nababalutan ng yelo. di na din ako nakapagsalita. di ako nakaimik hanggang sa matapos ang kanta. tulala ako. alam ko tulala ako. natauhan lang ako nung pinitik ni cathy ang noo ko pero di ko sya pinansin. sinundan ko ng tingin yung babae na ngayon ay pababa na ng stage. inalalayan na naman siya nung guy. bandmate niya. bandmate nga lang ba talaga?! ang sweet kasi nila. nakita ko na nag-whisper yung guy sa ears ni girl tapos ngumiti nalang si girl. nakakatunaw! nakakatunaw na nga yung ngiti ni girl, nakakatunaw din yung eksena nila. syete naiinggit ako. ano daw un?! bakit naman ako maiinggit?! pero sana ako nalang yung bumubulong! pesteng utak! adik lang!
gusto ko sana syang lapitan kaso kasama niya ung mga bandmates niya sa table. apat na guys. baka makuyog ako eh. so hanggang tingin nalang talaga ang nagawa ko buong gabi. ewan ko ha. na-curious lang naman ako sa babaeng yun pero let me clarify. HINDE KO SIYA TYPE!
3am and it's time to go home. luminga-linga ako. hinahanap ng mata ko yung babaeng yun. di ko talaga makita. uuwi ba ko ng di man lang siya nakikita? pero sinisugurado ko hinde ito ang huling pagkakataon na makikita ko siya. niyaya na ko ni cathy. pagod na daw siya. ikaw ba naman maki-mingle sa buong school. nakarating kami sa bahay pero tulog na si cat sa sasakyan. ginising ko nalang siya para pumasok sa loob. dumiretso si cathy sa kwarto niya at ganun din ang ginawa ko. nagpalit lang ako ng damit at natulog na. nakakapagod eh!
R. Go
031214
all rights reserved
BINABASA MO ANG
LOVE: From The Start Until Now
RomanceA true to life comedy-love story that will make you believe that LOVE AT FIRST SIGHT is definitely real and TRUE LOVE still does exists. Fall in love again and all over again through the story of this real-life couple.
