Chapter 8:

11 0 0
                                        

Ena's POV

2:30pm .. Nag-bell uwian na .. Nakapagconcentrate naman ako s laboratory exercise namin .. In fact .. I enjoyed our lab activity .. It made me forgot the moment earlier ..

Palabas na ko ng lab nang bigla akong habulin nila apple ..

"Hoy Ena ! Sino yung lalake ? Gwapo ah !" Sabi ni Aika ..

"Dapat pinakilala mo kami tutal may Jayvee at Tonying ka na naman na eh .." Sabi ni Levy ..

"Friend lang yun, may itinanong kasi .." Sagot ko .. Wag na sana nila akong kulitin .. Pero mali ako ..

"Friend lang pala eh .. Bakit di mo ipinakilala ?" Tanong ni Apple ..

"Weh may friends bang holding hands while walking ?! Pwede ba Ena !" Sabi naman ni Levy

..

Yan na nga ba sinasabi ko eh .. Panigurado mangungulit tong mga 'to .. Nginitian ko nalang sila .. Di naman kasi sila titigil ng kakatanong kapag sumagot pa ako .. Naglakad kami hanggang s canteen para bumili ng meryenda .. Talagang wala silang balak tumigil sa kakatanong .. Di ko naman na talaga sinasagot .. Bahala sila .. Magalit na kung magagalit ..

Palibhasa iba ang daan ko pauwi kaysa sa kanila kaya nagpaalam na ako .. Habang naglalakad sumagi na naman sa isip ko si Richard .. Hay naku .. Naramdaman niyo na ba yung ganito guys ?! Naisip ko ulit tung mga sinabi ko sa kanya .. Busy ako sa pag-iisip nang biglang may humila sa akin galing sa likuran ko ..

"Hoy Ena !" Si Tonying na nakahawak sa braso ko .. "Tulalang-tulala ka .. Di mo ko napansin eh .. Sino ba iniisip mo ?" Tanong niya ..

"Gago ka pala eh ! Paano kung nadulas ako sa paghila mo ! Tarantado ka talaga !" Sabi ko habang hinahampas ko siya ng mga kamay ko .. Nakakaasar lang ..

"Kaya nga hinawakan kita sa braso eh .. Para kapag nadulas ka mahihila agad kita .. Hahahahahah .." Nagagawa pa talaga niyang tumawa noh ?!

"Kung mabalian ako sa paghila mo ! Napaka-tarantado mo talaga eh ! Ilulublob na kita sa mantika eh .."

"Hush now .. Don't be mad .. Napangit ka ! Hahahahah .. Sino ba kasi iniisip mo ? Ako ?" Tanong niya sabay akbay sa balikat ko ..

"Hindi ! At wag kang ambisyoso ha .. Yung project sa English ang iniisip ko .." Sagot ko ..

Tumahimik na siya habang naglalakad kami .. Alam kong hindi naniniwala si Tonying .. Kilala na niya kasi ako .. Kung titignan niyo kaming dalawa para kaming mag-jowa ..

Nagkakilala kami ni Tonying nung Grade6 ako at 4thyear high school siya .. Sa public school ako at private naman siya .. Malapit lang yung school niya sa school ko noon .. Malapit lang din ang bahay niya sa bahay ko .. Magkakilala ang family namin pero hindi naman close ..

Nasa 5'8" si Tonying .. Maputi .. Payat .. Gentleman kuno .. Gwapo ?! Di ko sure yun ha .. Basta yun .. Pero crush ko siya .. Dati .. Ngayon admiration nalang talaga kasi may mga bagay siyang nalalaman at sa kanya ko natututunan .. Pasensyoso din siya at sobrang tiyaga ..

Naglalakad lang ako pauwi kapag siya ang kasabay ko .. Medyo malayo-layo din ang school ko sa bahay .. A walk down the road with someone full of sense is worth .. Pero nagtataka ako bakit niya ako sinundo .. Wala ba itong pasok ? Lunes na lunes ha ..

Marami kaming napagkwentuhan ni Tonying along the way .. Stuffs like our next gig .. The next song we are going to cover .. How's my studies, how's his work .. Sobrang dami .. Sanga-sanga na .. Parang branches of science .. Nawala sa isip ko si Richard and that was good .. Finally, after minutes of walking we arrived infront of my gate ..

"Bez, mamaya nalang ulit tayo kita ha .. Ireserba mo yung foods ko!" Paalam niya sabay takbo ..

Uso naman na ang cellphone at pwede naman magtext nalang kami ang kaso wala akong cellphone .. Sinubukan ko naman humingi sa tatay ko nung nag-top ako sa klase last period .. Actually lagi naman ako kasama sa top .. Nagbibigay naman ng reward ang parents ko .. Syempre for the hardwork of studying .. Pero nung cellphone ang hingiin ko hindi pumayag si papa .. Tinanong niya pa ako noon kung aanhin ko daw ang cellphone .. Bigyan ko daw siya ng reason kung bakit kailangan ko ng cellphone .. Ang sagot ko nun ay ganito,"Communication lang po .. Ang hirap kasi pag may gusto ako itanong sa teachers and classmates ko hindi ko maitanong .." Reasonable naman diba guys pero unacceptable yung reason ko na yun .. Kaya hindi na ako humirit pa ..

As usual sa bahay .. Nagbihis ako .. I went through our kitchen and found my mom preparing her inihaw .. Oras na kasi para ilabas yung mga paninda .. My brother and i helped her .. Ok naman yung businesses eh .. Expected naman ni mama na kumain na ko sa school but she still cooks dishes for us in case lang din ba na hindi kami kumain sa school ..

4pm .. Marami ng customer si mama .. Puno na ng inihaw yung grill niya .. Natulong pa din kami ng kapatid ko .. Balot diyan, sukli dito, tanong diyan, sagot dito .. Naipagtabi ko na din si Tonying ng paborito niyang inihaw .. I guess maya-maya pa si Tonying .. Nung naibsan na yung mga customers namin nagpunta naman ako sa tindahan namin para magbantay .. Sa tapat lang ng tindahan ang ihawan .. Habang nagbabantay ay nagawa na din ako ng assignment ko ..

Maya-maya ay dumating si Tonying .. Narinig kong binati niya si mama ..

"Hi tita ! Kamusta po ?" Tanong niya sabay tingin sakin. Alam niya kasi kung nasaan ako.

"Ok lang Tony .. Ikaw ba ? Wala kang pasok ? Nakita kasi kita na sinundo mo si Ena .." Tugon ni mama ..

"Wala po eh .. Nakita niyo po pala ako tita .. Hahahaha .. Yung favorite ko po ?"

"Nagtabi na ko !" Singit ko sabay labas ng tindahan .. Inako ko muna ang pag iihaw ng pagkain ni Tonying .. Si mama naman ang pumasok sa tindahan ..

Nagkwe-kwentuhan lang kami ni Tonying habang nakain siya ng inihaw .. Favorite niya talaga yun .. Nakaka-80 pesos kasi siya sa pagkain lang .. Wala pang panulak yun ha .. Yung usual day namin ni Tonying ay puro kwentuhan, tawanan, biruan at kulitan .. Nakikipagkwentuhan din siya sa mama ko .. Uuwi lang siya pag pumatak na ang alas-8 ng gabi ..

I stay up as late as 10pm .. Tinutulungan ko pa kasi magligpit si mama tapos naghuhugas ako .. Baka mapasma kasi si mama diba?!

Sa mga natitirang panahon s school .. Nagpatuloy lang yung ganitong routine .. Hannggang s nakatapos ako ng 2nd year at may honors pa ..

033114

junedicipulo

All Rights Reserved

A/N

Sensya po ngaun lang nag-ud .. Hindi na daw matandaan yung nangyari eh .. We will skip unimportant events nalang .. Sobrang busy po .. Pasensya na talaga ..

June&Ric

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon