Chapter 6: Finally Found.... And Now What????

23 0 0
                                    

So ayun, nag-bell. Recess ata because it's too early for lunch. Naglabasan na yung mga estudyante na kanina ay nasa mga classroom lang. Lintek! Kung nalula ako sa dami ng estudyante pagpasok ko sa school na ito mas lalo na ngayon. Bumabaha na ng high school students at nahihilo na ko. Teka si Ena muntik ko na makaligtaan! Ikaw ba naman makakita ng ganito karaming estudyante. Sa school kasi namin palibhasa private maintain sa 35 students per class eh meron lang kaming 10 sections per level noon.

Inaabangan ko si Ena sa labas ng classroom nila. Sana nga lang tama yung classroom na napuntahan ko. After 10 minutes, kaunti nalang ang tao sa corridor, karamihan malamang nasa canteen. May mga estudyante pa din naman sa loob ng mga room, yung mga estudyanteng ayaw mag recess. Wala pa ding Ena. Baka nakalagpas sa paningin ko. Ano ba naman yan Richard! Para ka namang timang. Nakasandal lang ako s pader, nakaharap sa classroom. Naghintay pa ko. 5 minutes. Di ko na natiis so nagtanong na ko sa isang babae na nandun sa loob. Tinawag ko siya pero lumingon lahat ng nandoon.

"Miss! Excuse me." Si ate na feeling maganda lumapit.

"Ano yun sir?" With matching papungay ng mata.

"May classmate ba kayong Ena Perez?" Tanong ko.

Nagtawag siya sa mga classmate niya. Pasigaw! Papansin lang?!

"Si Ena daw! Andyan ba si Ena?" Tinatanong niya classmates niya.

Confirmed! Dito nga ang room ni Ena. So kakaba-kaba akong naghintay sa sagot. May isang lalake na sumagot. Pasigaw din.

"Andito!" Napangiti ako at puno ng pag-asa. "Tulog!" Ano daw? Bakit tulog? Lumaglag yung mga balikat ko.

Bakit kaya? Pagod? Puyat? Masama ang pakiramdam o may sakit? Hala kawawa naman si Ena.

"Tulog daw sir! Teka gigisingin ko." Sabi ni ate na nagmamaganda. Hnabol ko siya ng sagot bago siya tuluyang makalayo at gisingin si Ena.

"Naku miss, wag na! Mukhang kasing mahimbing ang tulog eh. Ok lang. Salamat na din. Antayin ko nlanag siyang gumising. Pero saan ba siya nakaupo?" Pasimple din ako eh noh?!

"Doon!" Turo niya. Nakita ko nga nakatungo sa desk. Nakapony-tail yung buhok niya. "Sige sir iwan ko na kayo." At umalis na si ate.

Maya-maya may mga lalakeng nagkabit ng Manila Paper sa blackboard. Actually napuno yung blackboard. Di mo na nga makikita eh. Since recess naman at tulog si Ena bumaba ako at tinungo ang sasakyan ko. Pumasok ako dun at isinara ang pinto. May mga estudyanteng pinagtitinginan ako. Alam ko yun. Halata naman sa gilid ng mata ko eh saka alam niyo yung pakiramdam na may nakatingin sa inyo. Yun na yun. Ni-recline ko ng bahagya ang driver's seat. Para makasandal ng higa kahit papaano. Maigi na nga lang at tinted talaga ang sasakyan ko pati windshield.

Nakita ko na si Ena. Excited lalo ako. Ano kaya ang itsura niya sa school uniform? Naalala ko. Bata pa pala si Ena. Bakit ba ako nagkakainteres ng ganito sa kanya? Talagang hinanap ko pa siya ha! Di ko naman siya type. Alam ko di ko siya type. Pero bakit ganito. Interesado ako at malakas ang kabog ng dibdib ko. Paano kaya ako pakikitunguhan ni Ena? Syete naman talaga. Andaming natakbo sa utak ko. Mabuti nga at may tubig ako sa sasakyan. Uminom nalang ako para mabawasan yung pressure at kaba na nararamdaman ko ngayon. Anak ng dalawang balyenang pinagsama talaga oh! Napakamot ulo nalang ako.

Bumaba ako ng sasakyan. Ni lock ko yun bago ako tuluyang makalayo. As usual may mga nakatingin pa din. Alam ko nagtataka sila kung sino ako. Ganun naman talaga diba?! Pag bagong mukha natural lang pinag uusapan, pinagbubulungan. Umakyat ako sa hagdan na mas malapit sa room nila Ena. Nang marating ko yung classroom at sinilip si Ena. Hala gising na siya. Nakatayo na siya at tiningnan ang mga manila paper na sinabit ng mga classmate niyang lalake. May hawak din siyang papel at libro. May lapis sa gilid ng tenga at may ballpen sa labi na kinakagat-kagat niya. Ang cute lang. Malayo siya sa itsura niya nung prom ni cathy last saturday. Sopistikada siya nun pero ngayon kung makikita niyo lang neneng-nene ang itsura. Di ko nga akalain eh. Nagpapalitan ang mga tingin niya mula sa librong hawak niya at sa mga manila paper na nasa blackboard. Science ata next subject nila eh batay yun sa mga nabasa ko sa manila paper. Mukhang biology. Maya-maya may narinig akong sumigaw. Sigaw talaga kasi malaki naman ang room at marami na din estudyante sa corridor dahil malapit na matapos ang recess.

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon