Ena's POV
Summer Vacation na .. I finished my school year with honors and awards .. O diba ?! Say niyo ! Worth it ang mga hirap ko .. So ngayong summer vacation na, full time na ako sa pagtulong sa bahay namin .. Walang assignments .. Pwedeng matulog at gumising ng late .. Tapos may mga possible gigs and rehearsals .. Take note, ang reahearsals namin ay may bayad .. To make it clear, binabayaran kami para mag-rehearse .. Parang may summer job lang ako kaya ang saya .. Kaso si Tony may work .. Yan ang mahirap sa matatanda .. Pag wala ng school obligado na talaga magwork .. Hindi katulad kapag estudyante .. Wala tuloy ako ka-jamming habang nasa bahay lang ..
Chard's POV
Summer Vacation na. Wala nang pasok si Cathy sa school. Mas marami na din customers ang restaurant namin. Si Cathy natulong na din sa Resto. Late na din ako nauwi, maaga kung gumising para pumasok. Pagod at puyat overload. Wala na akong time para lumabas at makisama sa mga friends ko. Ang hirap talaga.
Minsan, naiisip ko pa din si Ena. May ilang buwan na din ang lumipas simula nung araw na sinabihan niya ako na huwag na daw akong babalik at magpakita sa kanya. Ang sakit lang. Parang i was really slapped hard on my face. Ang saklap bakit ganun?! Hindi naman naging kami at hindi ko din naman siya tinangkang ligawan pero parang na-busted ako. To make it more exaggerating, i was like devastated. Kamusta na kaya si Ena?! Natatandaan niya pa kaya ako?! Naiisip niya kaya ako?! Kilala pa ba kaya niya ako?! May pasok pa kaya siya sa school?! Andaming tanong sa isip ko. Basta naiisip ko siya........ Minsan..........
Gusto ko ulit puntahan si Ena. Gusto ko siyang makita. Pero di ko alam kung may pasok pa siya sa school. Kung wala na din naman pasok malamang wala na din siya doon. Hindi ko naman alam ang bahay nila. Sa studio kaya?! Pero baka wala siya doon. Malay ko din baka matyempuhan ko si Ate na nagbigay ng location ni Ena noon, baka alam din niya ang bahay ni Ena. Ang masaklap lang talaga wala akong time. Sobrang busy sa resto ngayon. Ayoko naman makita niya akong haggard and rugged look. May impression talaga noh?! Hay nako.
Si Cathy, may inilalakad sakin. Schoolmate niya yun. Kasama niya sa school paper nila, kung di ako nagkakamali Editor yata. Nakita ko na yun minsan. Maputi, maganda, matalino. Pam-beauty queen ang peg. Ayoko lang kasi malamang marami akong magiging karibal dun. Hahaha. Saka takot ako sa maganda. Hahahahaha.
"Kuya, wag mo sabihin yung vocalist ng banda yung gusto mo?! Pwede ba?! Bata pa yun." Sabi ni Cathy.
"Cat, ayaw mo ba dun sa vocalist na yun?" Tanong ko.
"Hindi naman. Maganda naman siya eh. Pero....."
"O kita mo. Sayo na nanggaling sis, gusto mo din siya. May certain point ka nga lang. I know she's too young, younger than you but i feel different towards her so please don't over run this conversation again because it will always be the same Cathy." Putol ko sa sinasabi niya. Hindi naman ako galit but with this situation i am in, masyadong diversion effort na ang ginagawa ko just to keep Ena out of my mind because of our family business.
Alam ko naman na sinasabi ni Cathy kay Lola lahat ng tungkol kay Ena at sa akin. Hindi naman ako tinatanong ni Lola, alam ko din na nakarating na kay Papa pero deadma pa din. Wala naman akong pakialam, basta di din naman nila ako pinapakialaman. Advice won't hurt and so does opinion pero si Cathy lang naman talaga ang gumagawa nun so i don't really care.
After a month, enrollment na naman. College na si Cathy. Kasama niya ko sa pag-eenroll. She also stopped bugging me about Ena. In fairness, di ko din naman na naisip si Ena nung mga nakaraan, ngayon nalang enrollment. Nag-eenroll kaya siya ngayon?! Same school pa kaya?! Nitong summer vacation hindi talaga ako binigyan ni Lord ng chance na makita si Ena. Kahit aksidente lang, wala talaga.
"Kuya,pasyal tayo pagtapos ko mag-enroll! Lilibre kita!" Aya ni Cathy.
"Cat, alam mo naman kailangan ako ni papa sa resto diba?!" Sagot ko.
"Nakapagpaalam na ako kay papa, ok lang daw saka andun si kuya Alex. Bawal tumanggi kuya. Sige na ha!" Pilit niya.
Umoo nalang ako. Na-abswelto naman na pala ako ni Cathy sa work kaya go nalang din ako. Nanuod kami ng sine ni Cathy, nag-gala. Naisipan ni Cathy na bumili ng damit kung kaya pumasok kami sa isang boutique ng mga branded clothes. Pumipili siya. May pumasok na magkasintahan. Matangkad yung guy, gwapo, medyo may kaputian. Si girl naman maliit, morena, maganda, kamukha ni Ena. Teka! Sinulyapan ko ulit, tinitigan ko na din.
"Hoy Ena! Eto try mo!" Narinig kong sabi nung guy. Lintek si Ena nga. Lumingon eh! Iniaabot na nung guy yung damit kay Ena nung napatingin sakin si Ena, kunot-noo.
Nakatingin lang talaga ako. Lalong gumanda si Ena. Lalo siyang nagmukhang dalaga, hindi katulad nung nakita ko siya sa school niya, mala-nene pa talaga o dahil lang naka-school uniform siya.
Tumalikod si Ena, pumuntang fitting room dala ang damit na iniabot nung guy. Sino kaya si guy?! Boyfriend niya?! Eto yung guy na nakita ko sa prom ni Cathy na umaakay kay Ena eh. Sila kaya?! Kaso wala man lang endearment towards Ena si guy, "HOY" lang talaga narinig ko kanina. Loko-loko pala 'tong lalakeng 'to. Lumapit sakin si Cathy, narinig niya kasi yung name ni Ena. Tinapik niya ako dahil tulala na ako.
"Yun ba yun? Yun ba si Ena?" Anlakas lang ng pagkakatanong niya. Tumingin tuloy samin yung kasama ni Ena na guy.
"Tumigil ka nga Cathy! Narinig mo naman diba?!" Sagot ko, medyo asar. Alam ko kasing naririnig nung guy yung usapan naming magkapatid. "Nakapili ka na ba ng damit mo? Isukat mo na kung nakapili ka na." Utos ko kay Cathy.
Kinuha ni Cathy yung damit at nagpunta din ng fitting room. Di kami nag-iimikan nung guy na kasama ni Ena. Para ano pa diba?! Baka mamaya magalit pa sakin yung guy eh. Hinihintay koong lumabas si Cathy but i am more anticipated to see Ena. Sa wakas, after a few minutes, lumabas din siya. In her fitted dress, ang ganda talaga, na-miss ko yung looks niya. Naglakad siya papunta dun sa guy, eto naman si guy hinawakan si Ena sa mga balikat.
"You look great and astonishing. Ang ganda mo talaga!" Narinig kong sabi nung guy. Nakita kong napatingin si Ena sa akin. Unexpectedly, she came forward. Nagulat ako with her approach.
"How do i look in your eyes?" Tanong niya. Natulala ako. Nakatingin yung guy. Lumabas si Cathy at nakita yung sitwasyon. Nakatingin lang ako kay Ena. Narinig kong nagpatikhim si Cathy. I cleared my throat before answering. "You look like a goddess." Sagot ko. Sorry pero yun talaga ang lumabas sa bibig ko. I don't know kung may iba pang appropriate words to describe her right now but i was contented on what i just said.
Tumalikod siya. Pumunta sa guy, si Cathy tulala ding lumapit sa akin. Hinawakan siya nung guy sa head sabay gulo ng buhok ni Ena. Nanunuod kami ni Cathy sa susunod na mangyayari. Lumapit ulit si Ena, this time kasama na yung guy, nakahawak si Ena dun sa kamay nung guy and it really broke my heart. Wag lang nitong sasaktan si Ena kundi malilintikan to! With what Ena looks like right now, he already have a goddess in his hands kaya wag siyang magkamaling saktan si Ena.
"I want you to meet Richard." Sabi ni Ena sa guy.
"Hi. I'm Richard Go and this is my sister Cathy." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko para makipag-kamay dun sa guy na inabot din naman niya.
"Hi din. I'm Tony Villar. I thought she was your girlfriend." He was referring to Cathy na nakikipagkamay ngayon sa kanya. "Excuse me lang muna. I have to pay something." Sabi nung Tony. Si Ena naman ay bumalik ng fitting room at nagpalit ng damit. Ganun din naman yung ginawa ni Cathy. So i also paid in the counter for Cathy's dress. Si Ena, lumabas na. She sitted with me while she waiting for Tony to finish. I just suddenly missed Ena. The warmth in her voice, the ever changing voice tone and her attitude. The coolness. I guess i just missed all of her.
Junedicipulo/r.go
All Rights Reserved
040514
BINABASA MO ANG
LOVE: From The Start Until Now
RomanceA true to life comedy-love story that will make you believe that LOVE AT FIRST SIGHT is definitely real and TRUE LOVE still does exists. Fall in love again and all over again through the story of this real-life couple.
