Chapter 2: The Advise

24 1 0
                                    

I was born in Manila

September 1977

In a filipino/chinese family

2nd sa magkakapatid

Accountancy graduate

Assistant Manager ng Family business namin

Richard Go

That's my name.

Si lola na ang nagpalaki samin ng mga kapatid ko since my mom died when i was 10 years old. Car accident. While my dad is always busy in the business field.

Sunday. 1pm. I have to go to the restaurant. Marami pa kasing paperworks. Supposed to be wala naman talaga akong pasok pero since maraming tatapusin kaya pumunta nalang din ako.

Pagdating ko sa restaurant hinanap ko si dad. Nakita ko siyang may kausap. Then i went to my office. When it comes to my dad, di kami masyadong nag-uusap. Di naman kami magkaaway. It's just that we don't know how to talk. Si dad kasi kung makipag-usap akala mo laging galit, laging may kaaway, laging mataas ang boses. Ganun na talaga siya na which i found very irritating. Ayoko ng ganun.

Naupo na ako sa desk ko. Tiningnan at nireview lahat ng account papers namin na needed for approval. I gave a deep breath then i leaned on my chair. Biglang pumasok sa isip ko yung girl kagabi. Alam ko bata pa siya, as in bata pa talaga. Kung nag-aaral man yun malamang patapos na yun sa kung anung year nya. Malapit na kasing matapos ang school year. Kailangan makita ko siya at makilala. Interesado lang ako but that doesn't mean na gusto ko siya. She's too young for me. Marami naman na akong naging girlfriends in the past. Actually di ko alam kung girlfriends nga. It's more like FLINGS. Di naman sa nagyayabang ako pero oo marami talaga akong naging flings. Mukha naman akong tao noh! Hahaha. Flings lang kasi none of them lasted for a year. Months lang talaga. Madali kasi akong magsawa. Hindi lang talaga ako ganun ka-serious.

Pero paano ko makikita si girly? Sabi ni cathy di naman daw niya kilala yun at true enough guest band lang sila last night so saang lupalop ko kaya hahahanapin yun?! Hay nako. Napakamot nalang ako s ulo.

Sa sobrang kakaisip nagutom ako. D din naman ako kumain sa bahay. Nagpunta ako ng kitchen. Tamang-tama andun c chef odie ipagluluto ako nun. Siya kasi yung masayang kausap among our staffs. May sense kumbaga.

"Chef Odie!" Tawag ko.

"Oh Chard pumasok ka pala. Ano ba ang atin?" Tanong din niya.

"Nagugutom kasi ako chef eh baka pwedeng alam mo na! Hahahah." Tawa nalang ako.

"Sige saglit ipagluluto kita." At umalis na siya. Mabait si chef odie. Minsan naiisip ko ganito din kaya siya sa mga anak niya.

After 15minutes bumalik si chef na may dalang plato. Bagong recipe. Shrimp canopy ang tawag niya.

"Sarap nito chef ha! Pasensya na ulit sa abala at naistorbo pa kita." Ako.

"Wala yun chard." Sagot niya. Bumuntong-hininga ako. Napansin niya yun. Si chef mahilig talaga mamansin yan. Di na din niya natiis magsalita.

"Ang lalim naman nun chard! May problema kaba?" Tanong niya sakin.

"Meron chef ! Babae eh." Sagot ko. Natawa naman siya.

"Sanay na ko dun. Walang bago dun chard! Kabataan naman talaga ngayon." Iiling-iling si chef odie sakin. Kilala niya ako pagdating sa mga babae.

"May bago dun chef! Mas bata kay cathy."

"Saan mo naman nakilala? Girlfriend mo na?" Seryoso mukha niya. Siguro kasi nga sabi ko mas bata kay cathy.

"Hinde chef! Di ko nga alam ang pangalan eh. Crush ko lang. Hahaha. Nakita ko siya sa prom ni cathy. Guest band sila dun. Di ko nalapitan kasi maraming kasamang lalake. Alam mo na, mga kabanda niya." Sincere ako sa pagkakasabi nun s kay chef.

"So anu'ng gustomong gawin? Mukha kasing interesado ka eh." Tanong ulit niya.

"Paano ba hahanapin ang taong di mo naman kilala? I mean sa mukha mo lang kilala chef." Alam ko obvious naman ang sagot ko sa mismong tanong ko pero try niyo na nasa sitwasyon ko kayo. Hahaha.

"Sa police station mo hanapin o kaya manawagan ka sa lahat ng media. Hahahahah." Tumawa si chef sa sagot niya. The man who can't be moved ang peg?! I shut the thought out of my mind. Adik talaga to si chef odie pero may point siya. Sabi sa nyu may sense kausap eh.

"Ipagtanong mo sa school ni cathy yung banda tapos saka mo kunin yung name nung babae mo! Tutal school naman ang nagrent sa band na yun eh. And chard, anak, kilala ka namang businessman. So you have all your resources." Nagulat ako sa sinabi ni chef odie.

Natameme ako dun for a while then i just heard him telling me something.

"Goodluck chard! Sana mahanap mo yung hinahanap mo. ipakilala mo sakin ha! Iwan na kita diyan! May gagawin lang ako. Kain ka lang." Di ko na nahabol ng sagot ko si chef odie.

Natameme lang ulit ako. Nag iisip. Alam ko nakangiti ako. Sounds like there's a plan popping out of my mind. Excited ako kasi nga curious eh. Hahanapin ko siya. Adventurous. Challenging. Why don't o give it a shot. Pag wala eh di wala. But for now, i think i will have my daydream. Bakit may daydream?! Di ko din alam eh.

031214

R. Go

All Rights Reserved

LOVE: From The Start Until NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon