1. Taya

16 1 1
                                    

Simula palang kalokohan lang naman talaga
Pero nagbakasakali ako at umasa na parang tanga

Alam ko naman na masasaktan lamang ako
Pero heto, isa akong baliw na umiibig ng lubos at totoo

Aaminin ko, isa akong hangal sa larangan ng pagmamahal
Ginawa ko naman ang lahat subalit laging mayroong sagabal

Ngunit wala naman akong karapatan upang tumutol
Ito ang kaligayahan mo kaya't sino nga ba ako upang ito'y maputol

Oo kasalanan ko ang lahat ng ito
Sumali ako sa laro pero puso ko pala ang naitaya ko
Ano ako ngayon? Nasasaktan sa aking pagkatalo

Wala akong pinagsisisihan sa aking naging desisyon
Alam kong nahulog na ako at mahirap na humanap ng solusyon

Pero naging masaya ako kahit na sa konting saglit
Sa mga pagpapakilig mo, iniiwasan kong maniwala ng pilit

Salamat sa pakikipaglaro
Salamat sa pagpapakita kung gaano ako natalo
Salamat sa kirot na naidulot nito
Salamat at handa na kong bumangon at itaya muli itong aking puso

Subalit sa pagkakataong ito sisiguruhin kong ako na ang mananalo
At wala ng pagdudusa ang magiging anumang kahalo

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon