6. Uso

9 0 0
                                    

Ang sabi mo sakin, pagibig mo ay totoo
Ngunit nasaan ka ngayon? Ako'y naghihintay saiyo
Ano na naman ba ito? Isang panloloko?

Nakakapagod na itong pagpapakamartir ko
Ako'y tapat na naghihintay sa muling pagbabalik mo
Subalit tila yata nakalimutan mo na ako?

Ganon nga ba kabilis ang iyong pagkawala?
Tila isa akong baliw na nananabik sa wala
Bakit ba pinapaasa mo ako? Alam mo bang di ito tunay na nakakatawa

Lumuluha, nagmumukmok at nagiging tuliro
Tila ba'y nasira na ang aking buong mundo
Nais ko lang naman na makita at masilayan ka mahal ko

Nagtapat ka ng iyong saloobin
Sabi mo kaya mo akong mahalin
Ngunit bakit hindi kita makita
Puro ka lang naman pala salita:)

Isa na naman akong tanga
Di na ako natuto sa ilang ulit na pagpapaasa
Nagbakasakali na naman ako sa kaunting ligaya
Di inalintana ang sandamakmak na pagdurusa

Puno ng sakit ang aking puso
Bakit ka ba ganyan? Iyan na ba ngayon ang uso
Ang manakit ng damdamin ng di kakilala
Ang magsinungaling saakin ng walang inaalala

Salamat ah? Naniwala ako ng buong buo
Di ko naisip na madudurog mo ang aking puso

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon