Nararapat bang lagyan ng label ang relasyong pinaglaruan
Ilang beses ko na ring pinilit ang aking sarili na ika'y lubayanPero heto, heto at nabihag parin saiyong patibong
Pinipilit na makinig sa aking utak subalit nanalo ang aking pusong pinaiiral ay damdamin lamangSinasabi nito na "ayos lang iyan, kaya mo iyan, magtiwala ka ng buong buo"
Pero sa huli ang aking puso rin pala ang madudurog at maiiwang naghihingaloNaiwan syang hapong hapo na tila nakipagkarera sa libo libong tao
Teka, oo, nakipagkarera nga ito subalit sa sakit at lumbay na naidulot moDi ko alam kung ano ang aking uunahin
Ang pagpapakitang matapang ba o ang aking nasasaktang damdamin?
Tila isa akong bulag at di inaalintana ang lahat ng pasakit
Upang makausap ka lamang gagawin ang lahat kahit ano mang balakitSabihin niyo ng tanga o martir ako
Pero ito ang tunay na nararamdaman ko
Kaya kong iasintabi ang lahat ng sakit at pait
Basta para saiyo ngingiti ako kahit na pilitTapat at totoong pagibig ang ninanais ng iba
Ako, ang masilayan at makausap ka lamang ay sapat na
Napakababaw man pakinggan
Pero kahit na sinasaktan mo ako hindi kita kayang kalimutanPasensiya kana kung ako'y di karapat dapat saiyo
Susubukan ko ang lahat upang saiyo ay mapalayoNgunit sa aking pagsubok na ika'y lisanin tila ba nakikita ko ang aking sarili na lalong napapalapit
Napapalapit sa panganib na ako ay mas lalong maipitMaipit sa pagitan ng pagpapanggap at pagsasabing ika'y akin
......................................................................
Di ako makapagdecide sa title eh sooo wala muna for now
BINABASA MO ANG
Poems Ng Pusong Sawi
PoetryMinsan mas nararapat na lamang na siya ay iyong kalimutan Imbes naman na ikaw ay magpakahirap at pangarapin na siya ay mahagkan