11. Alam mo pa ba?

6 0 0
                                    

Alam mo pa ba iyong pakiramdam na harap harapan kang niloloko?
Alam mo pa ba iyong pakiramdam na ikaw mismo ang gumagawa ng paraan upang sila ay magkasundo?
Alam mo pa ba iyong pakiramdam na ang iyong mga luha ay bigla na lamang tutulo?
Alam mo pa ba iyong pakiramdam na mahal na mahal mo siya subalit hindi mo maipaglaban hanggang dulo?

Tila ba'y mayroon ka laging sariling mundo na umiikot lamang sa siya at ikaw
Iniisip na pareho ang inyong nararamdaman kahit na ang puso mo'y pumanaw
Kapag nakikita silang magkasama ika'y natutuliro at ang isip mo'y naliligaw
Tila ba'y nawala na ang lahat at tanging siya nalang ang nagsisilbi mong ilaw

Alam mo pa ba iyong panahong ika'y nagpapakamanhid sa lahat ng sakit?
Alam mo pa ba iyong nakikita mo silang masaya kaya't itinatago mo ang iyong emosyon ng pilit?
Alam mo pa ba iyong hindi mo mawari ang dapat gawin kaya't ikaw ay naiipit?
Alam mo pa ba iyong panggagamit niya sayo pero ni minsan hindi ka nagalit?

Laging panalangin na ikaw ay mapansin
Kahit sulyap lamang ay iyong papatusin
Lahat ng lumbay at sakit ay nais alisin
Kahit mayroon siyang iba, makapiling lamang niya ang iyong nanaisin







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon