8. Magisa

7 0 0
                                    

Kailan ka nga ba matatauhan sa iyong kinsasadlakan
Dahil sakanya ikaw ay nagdudusa at nasasaktan
Hindi naman sa sinasabi kong iwanan mo na siya
Pero ang sagot sa iyong kinahaharap ay lubayan siya at humanap ka na lamang ng tunay na ligaya

Kailan ka ba matututong pigilan ang iyong mga luha
Tila nagbabadya itong tumulo ano mang oras kaya idinadaan mo na lamang sa tula
Sa tula na naglalaman ng iyong tunay na saloobin at damdamin
Sa tula na nagpapakita kung gaano mo sinusubukan na ang sakit ay alisin

Naway naiintindihan mo na ang takbo ng ating mundo
Minsan ikaw ang nauuna pero madalas ikaw ang nasa dulo
Kailanman hindi magiging pantay ang kanilang trato
Kaya kung ako sayo itigil mo na iyang pagiyak at itapon na ang kanyang litrato

Napakadaling sabihing ayos ka lamang kahit hindi mo ito dama
Napakadaling ipakita ng iyong mga ngiti na parang walang problema
Napakadaling magsuoot ng maskarang tila ba ipinapakita kung gaano ka katapang
Pero hinding hindi mo maitatago ang iyong tunay na nararamdaman kapag ikaw ay magisa na lamang

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon