7. Mayroon nga bang tayo

13 0 0
                                    

Naiisip ko kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang tayo saiyo
Ako'y nalilito dahil mayroon ngang tayo
Pero mayroon din namang kayo

Teka, mayroon nga ba  talagang tayo?
Oh ako lang itong si tanga na  nagiilusyon ng kung ano ano?

Pinapakita mo na may pag-asang maging tayo
Pero kapag kasama mo siya ano? Para lamang akong hangin saiyo

Ako lang ba o talagang nagaassume lamang ako sa wala
Haha ayan naman tayo eh, lagi nalang umaasa sa mga maling akala

Laging umaasa na mapapasakin ka
Laging umaasa na ako lang at wala ng iba pa

Pero sa huli ano ka? Iiyak nalang ng magisa
Habang pinagmamasadan kung gaano sila kasayang magkasama

Hindi lahat ng tao ay pare pareho
Laging mayroong magpapaiyak at magiging aral muna saiyo
Subalit sa huli makakahanap ka rin ng tapat at totoo

Hindii ka naman aasa kung walang paasa
Hindi ka naman masasaktan kung di ka aasa
Ganon lang naman kasimple ang buhay
Ang madaling sagot diyan, hanapin mo muna ang magmamahal saiyo ng tunay

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon