3. Paasa

15 1 0
                                    

Paasa, ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ito?
Diba sila yung nagpapakita ng motibo pero hindi naman tinitotoo?
Diba sila yung nagsasabi ng mahal kita kahit hindi sila sigurado?
Diba sila yung nangangakong ikaw lang pero iiwan ka ring bigo?
Pero tandaan mo, sila rin yung taong minamahal mo ng todo

Siguro marami ng nabiktima ng salitang paasa
Pero hindi naman sila magiging paasa kung hindi ka aasa
Oo, maraming nasasaktan sa mga maling akala
Pero heto ka nagtitiis, naghihintay at nagsasawalang bahala

Bakit? Bakit ka nga ba nagpapakatanga sa taong hindi ka naman nakikita
Sa taong puro salita, puro pangako, pero ni minsan hindi ginawa
Bakit? Bakit sa lahat ng tao siya pa yung magpapaiyak saiyo ng ganito
Bakit? Bakit sa dinami rami ng pagpapaasa sayo hindi kana natuto?

Paasa, sana naman tantanan mo na kaming mga mahihina ang puso
Sana naman tigilan mo na ang pagbibigay saamin ng pagasang magiging tayo
Nakakapagod na kasi, nakakapagod ng masaktan
Masaktan ng taong ni minsan hindi ka naman pinangarap na hagkan

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon