9. Peklat

8 0 0
                                    

Ang pagmamahal ay parang peklat
Ilang beses mo mang piliting alisin kinabukasan makikita mo parin ito ng gulat na gulat
Pero sa dinami rami na ng nasubukan mo
Matututunan mo na rin na tanggapin at makasanayan ito

Sa pagmamahal maiisip mo na sumuko na lamaang dahil sa kirot
Subalit kahit anong paraan ang gawin mo mahihirapan kaparin na makalimot
Hanggang sa mamamalayan mo na lamang sa sarili mo na ika'y sanay na
At tila babaliwalain nalang ang peklat na naiwan ng kahapong puno ng pagdudusa

Ang peklat ay galing sa sugat na naghilom na sa panahon
At di na ito maaalis pa kahit maghintay ka ng maghapon
Kailangan matutunan mo itong mahalin
Dahil dito ikaw ngayo'y handa ng suunhin ang anumang suliranin

Ito ay nagsisilbing tanda
Tanda ng kahapon mong puno ng pait
Tignan mo ang sarili mo ngayon na  handang handa
Sa anumang hirap at hapdi ng pagmamahal na kay bait

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon