2. Kaibigan

11 1 0
                                    


Nasaan ka na?
Ika'y magbabalik pa ba?
Patawad kung sa tingin mo ako'y hindi karapat dapat
Karapat dapat sa iyong tiwala
Karapat dapat saating pagkakaibigan

Ah teka, hindi pala tayo magkaibigan
Ni minsan hindi tayo naging magkaibigan
Ako lang itong si tanga naniniwala na sa bawat tawa mo ay may ibigsabihin
Na sa bawal ngiti mong ipinapakita saakin ay iyong tunay mong saloobin
Hindi ko man lang naisip na  kailangan mo ko upang mapalapit sakanya
Di ko man lang naisip na kailangan mo ko upang makita mo siyang masaya

Bakit ba kasi umaasa pa ko sa katulad mo na ang alam lang naman ay paiyakin ako
Bakit ba ako nagtiwala sa katulad mo na ang alam lang naman ay gamitin ako
Bakit ba kasi huh? Bakit ba kasi sa dinami rami ng iiyakan ko ikaw pa na pusong bato

Nagsusugat sa walang kwentang rason
Nasasaktan sa walang kwentang tao
Nasayang ang lahat ng pagpaparaya ko
Alam mo kung bakit? Kasi nawala ka lang din saakin

Kung alam ko lang,
Edi sana nung una palang umamin na ako
Kung alam ko lang,
Edi sana di na ko naging tulay ng apat na tao
Kung alam ko lang,
Edi sana naging mas masaya ako bago tayo matapos

Iniwan mo kong nasasaktan at galit
Kahit anong sikretong sinabi mo itinago kong pilit
Ngunit bakit isang sikreto lang hindi mo magawang maitago?
Ah hinde, wala lang talaga akong halaga sayo kaya nagawa mong maitapon

Ganyan ka ba talaga kabait?
At lagi mo nalang akong inilalagay sa pait
Salamat pala huh sa panandaliang ligaya
Salamat sa panandaliang pagasa
Salamat sa lahat ng sakit
Salamat dahil sayo nagawa kong bumangon ulit

Nais kong balikan ang lahat ng ating alaala
Noong tayo'y nagkukulitan pa at nag bibigay sa isat isa ng paalala
Subalit kahit anong hiling ko
Alam kong di ito magkakatotoo

Di ko man ninais ngunit ika'y biglang umalis
Tila isang kisap mata ang paglaho mo sa sobrang bilis
Dala dala ang puso kong sawi
Ako'y iniwan mong sugatan at pagiyak nalang ang aking napili

Gayon ma'y nais ko paring sabihin
Mga salitang pilit kong kinimkim
Kahit hindi ko ito maamin
Ika'y napalapit na saakin
Pag ikay nakikita
Tila ba'y puso'y sobrang saya

Ito ang pagtatapos ng ating kwentong walang saysay
Ito na ang pagtatapos ng pagdudusa kong walang humpay
Paalam na aking kaibigan
Paalam na aking mahal
Paalam na sating mga munting ala ala

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon