4. Poser

12 1 0
                                    

Nagsimula sa i love you, na song prank lamang pala
Hanggang sa nauwi sa ayoko na, nakakapagod na pala

Nakakapagod maghintay sa mga reply mo na puro kalokohan lang naman
Nakakapagod umasa sa mga chats mo na puro pambobola ang laman

Siguro magmumukha akong tanga kapag nabasa mo ito
Iisipin mo na isa akong hibang na nagmahal ng katulad mo

Pero bakit nga ba? Mapapaisip ka nalang ng ganon eh
Maiisip mo na bakit ikaw pa kung marami namang iba
Maiisip mo na bakit ikaw pa? ikaw pang hindi ko kakilala

Siguro isa nga talaga akong baliw
Umasa ako sa mga panandaliang aliw
Pero masisisi mo ba ako?
Ako lang naman ito na naghahangad na mahalin mo

Masakit mang isipin pero wala ka ng magagawa
Kapag ang puso'y tumibok, hindi mo na mapipigilan pa

Kahit sino man yan
Kahit saan man yan
Basta nahulog kana
Ipanalangin mo nalang na saluhin ka sana

Oo, tanga ako
Sino nga ba kasing mahuhulog sa taong hindi ka sigurado
Sino nga bang matinong tao ang maniniwala sa puro biro
Ako lang siguro, oo ako lang siguro ang taong magkakagusto sa poser na katulad mo

Poems Ng Pusong SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon