Chapter 3

31 1 0
                                    

"Ms. Pres may naghahanap po sa inyo. Papapasukin ko po ba?"

"Uh sino daw, Bea?" Nagkibit-balikat  lang si Bea.

"Uhm sige, thank you!
Inayos ko ang mga papers na nakakalat sa desk at nagbukas ang pinto sabay ang pagpasok ng isang halimaw.

"Hi future girlfriend ko!"
Dire-diretso siya 'tapos humiga sa sofa at binuksan ang TV. Wow feel at home ang isang ito.

"Ethaniel? Ikaw na naman?! Ano bang problema mo?"

"Ay grabe ang chunget! Wala man lang hi or hello boyfriend kong napakagwapo?" Nagpout pa siya.

"Hibang ka na ba?! FYI, walang tayo as in
W-A-L-A okay?! " Nakaka-istress 'to ha! Nakaka highblood!

"Ouch! Tagos sa puso, aray!" Pag acting niya na masakit yung 'puso' niya kung meron man siya. Eh bato yan eh. 

Maasar nga.

"Ay meron ka pala nun? Akala ko bato kase yan eh." Sabat ko.

"Sus. Pahinge nga neto." Kinuha lang niya basta basta yung chips sa basket sa taas ng mesa.

"Ano bang kailangan mo?"

"Wala naman, nabo-bored kasi ako kaya ayun naisipan kong puntahan ka. Oh diba! Ayan ah, ako pa mismo ang pumunta sa'yo. Kiligin ka dapat!" Pag dedemand niya.

"Kiligin mo mukha mo! Busy ako kaya pwede ba? Kung manggugulo ka lang, sa iba nalang Ethaniel Carlos Javedes! Please lang." Inirapan ko siya sabay talikod.
Acting lang hahahaha AT MAY KASALANAN KA PA  PALA SAAKIN aeioup ka.

"Ayieeee alam full name ko! Stalker ka no? Hmm hulaan ko sa facebook ko? Sa twitter o sa insta? Snapchat? Telegram? WeChat? Tsk. tsk. Sabi na ba eh, crush mo ako!"

Magtimpi ka Athy, kaya mo pa! Kaya mo pa...
Di ko nalang siya sinagot.

Umismid siya "silence means yes."

"HINDEEEEEEEEEEEE asdfghjkl!!!!"

"Ay pikon hahaha." 

"AYAW KONG MAKIPAGUSAP SA DEMONYO KAYA PLEASE AND OH BY THE WAY MAY KASALANAN KA PA PALA SAAKIN. "

Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa work ko. Tapos nung naramdaman kong tumahimik medyo dahan-dahan na lumingon ako.

At....

Ayun nandun pa rin siya nakangiti ng nakakaloka!

"Oh ano tinitingin-tingin mo? Miss mo na ako agad? Bilis naman." Nagsmirk siya 'tapos nagwink. Ew! Anong trip ba nito sa'kin?

"Kapal ng face!"

"Asus, gusto mo naman. Denial ka pa!" Hindi ko nalang siya pinansin. Bahala ka diyan, hmp.

Nagstart na ako magtype sa laptop. Tatapusin ko na 'tong mga reports para bukas assignments nalang inaatupag ko.

Makalipas siguro ng isang oras dahil nabored na ata siya at walang magawa lumabas na siya ng room. Ha! Finally I'm at peace. Makakahinga na ako ng maayos. Bakit? Kasi kanina pa siya titig ng titig habang nagtatrabaho ako. Nakakairita lang.

A Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon