Chapter 20

19 1 0
                                    

Nung nakauwi na ako agad kong hinanap si Mr. Ezekiel Vilorra.

"Hoy Ezekiel Aldrin Guevarra Vilorra ano nanaman ba ang  dyan sa kokote mo at gumawa ka nanaman ng eksena?!"

Hindi niya ako pinansin.

"Hoyy! SUMAGOT KAAAAAAAA!"

Ibinaba niya yung phone niya at tumayo. Hinila niya ako palabas.

"Hoy saan mo ako dadalhin?!"

Tahimik lang siya habang  hinihila ako. Di niya ako sinagot.

dirediretso lang siya hanggang sa nabasa ko ang nakalagay sa signage.

FRIGELATTO.

at bakit naman kami nandito sa ice cream shop?!

"Hoy bakit tayo nandito?"

di niya parin ako sinasagot.

"Hoy may balak ka bang sagutin ako o ano?"

Di parin niya ako inimikan. Just wow.

Pumasok siya sa shop na hila parin ako.

"Good evening sir... Can I get your order?"

"Miss isang chocolate chip at cookies and cream vanilla."

wait... bakit alam niya favorite flavor ko?

"at miss may scotch tape ba kayo? para dito sa katabi ko. Kanina pa kasi katak ng katak."

sinamaan ko siya ng tingin pero natawa yung cashier.

Kinuha niya yung order namin at dumiretso sa isang seat malapit sa may glass window.

Nilapag niya ito at umupo ako. Ano ba meron? Bumalik nanaman siya sa cashier at kinausap ito? May kinuha? ewan.

Bumalik siya at nilagay yung tissue AT just wow - may SCOTCH TAPE nga -sa table.

"Bakit may scotch tape?!!!!"

"Shhhhh ang ingay mo!"

"Paano ako kakain kung may tape?!"

"Sino nagsabing kakain ka?"

"EDI WOW."

Kinuha ko na yung spoon at kinain yung icecream ko.

"Hoy bakit ka sumubo?"

"di ba sakin to?"

"At sino naman nagsabi na sayo yan?"

"Edi hindi na kase.. sabi ko nga tss..."

"Hahaha de joke lang. Nilawayan mo na may lason na yan. Kaya sayo na."

"tss..."

"wala na tampo na siya."

di ko parin siya pinansin.

"Uy Athy."

....

"Athaliah"

....

"Athaliah Therese"

....

"Zeke"

...

"Cute!"

...

"Maganda!!"

"yieee tatawa na yan."

di ko na talaga napigilan kaya unconsciously napa smile ako.

"Oh dali ito na oh natutunaw na siya.." kinuha niya yung spoon ko tapos akmang susubuan niya ako?

A Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon