Nag-excuse muna ako para pumunta sa restroom para na rin hanapin sila Ayu. Sakto naman nadatnan ko sila sa loob ng girl's bathroom.
"Uy napano kayo?" Tanong ko habang papalapit sa wash area.
"Wala. Edi lapitan nila kasi lahat ng babae. Lahat naman ata ng may gusto sa ine-entertain nila." Nagdadabog na sabi ni Yumi.
"Hala maka react girlfriend ate?" Sabat naman ni Seri.
"Eh ikaw naman ano problema mo? May pa-walk out ka pa." Turo ko naman kay Serina.
"Haysss ayaw ko lang talaga yung nakita ko. Ewan ang gulo..."
"Selos ka?"
"Huh? Bakit naman best friends lang kami no. At wala akong karapatan, ayaw ko dyan sa love love na yan."
"Suuus."
"Ang sakit lang kasi...lahat yata ine-entertain niya eh."
"Girl una sa lahat kaka-close niyo palang and di naman kayo so like Seri wala kang karapatan...tanggap mo din dapat yun kasi syempre gwapo siya and famous. And yun yung image niya and baka ayaw lang din niya na sabihan siyang masama, snobber or what kaya pumayag na din siyang magpa-pic dun sa girl. Parang ikaw diba. And kung ganun na rin naman pala yung nafe-feel mo, why not tell him directly?"
----
Pagkatapos nung real talk namin sa loob ng washroom, niyaya ko na silang bumalik sa table namin.
Nagpatuloy ang program hanggang sa nagstart na mag-play yung orchestra ng slow romantic music.
Nagkayayaan na ang lahat sa dance floor hanggang sa may binulong si Kyle kay Zeke na kina-irap nito.Wala ako sa mood na mag dance dahil mukhang ayaw din naman ni Zeke.
"Uh athy..." Tawag saakin ni Zeke. Nilingon ko siya dahil mukhang may gusto siyang sabihin.
"Can I have this dance?"
"Oh ash..."
----
Zeke's P.O.V."Bro yayain mo na. Wag ka na magpaka torpe. Ayan na ang chance mo na sabihin sa kanya." Bulong saakin ni Kyle bago niya hinila si Serina papunta sa center.
Minataan din ako ni Seth at naghintay ng cue.
"Uh Athy..."
"Can I have this dance?" Imbis na ako ang nagsabi noon may lumapit na lalaki kay Athy at inalok 'to sa dance floor. Pumayag si Athaliah at pumunta an sila sa gitna.
"Bro sayang hiya pa kase!"
Di na ako nakapigil.
--Athy's P.O.V.
"Can I have this dance?" Ibinalin ko yung attention ko kay Ashton na nasa harapan ko ngayon."Oh...ash."
--
Pumunta kami sa gitna at hinawakan niya yung right hand ko.
"Sige kahit di na maging tayo kahit ito nalang na ma-sayaw kita."
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Grabe ka. May Issa ka na oh.""Aysss syempre iba parin pag ikaw. Pero kidding aside, sana mas makilala kita at makasama kita sa future."
"Ay sus. Hahaha." Nagulat nalang kaming dalawa ng may humila sa kamay ko at napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Ash.
"What the hell?"
"Walang ibang pwede mag-sayaw kay Athaliah kung hindi ako."
At sa puntong iyon di ko na talaga alam kung ano ang dapat maramdaman.