Ayumi: so ayun naman pala, hayyy kinikilig ako kahit magkaaway kami bagay talaga kayo ni kuya!"yack! ewwww" ANG LAYO. Zeke? No way.
"True sabi nga nila, the more you hate...the more you love!" dagdag pa ni Seri.
"Shhhh shhhhh ayoko na! Change topic."
"Susss ang bitter neto."
Naglalakad na kami pabalik ng rooms namin. Eh paano dapat magkwento sana ako sa table namin kanina kaso dumating si Tracey- and its the first time na nakita ko ulit siya- kasama ang mga 3 blind mice niya.
"Ay oo nga pala---" naputol yung sasabihin ni Yumi nung biglang nag-ring phone niya.
"Hello? Oh? Ahhhh... Omg?! Totoo?!!! Wehhh? So anong gagawin ko? Ahhh sige sige! Oo na sige ako na bahala! Sige thank you!!! Omg! kinikilig ako. Byeee!!!" Yun lamang ang narinig ko. Sino ba kasi yun? At bakit siya kinikilig?
Bumulong siya kay Serina at ganoon din ang reaksyon nito.
"Huy bakit? Anong nangyare?" Tanong ko dahil hindi sinabi saakin ni Ayu.
"Ah wala wala. May nakilala kasi kami kahapon na uhmmm aaaa... " nagtinginan sila at si Serina naman ang nagtuloy.
"...Girl! Tapos ngayon sinabi nung boyfriend niya na gusto niyang isurprise si girl! Tumango naman si Yumi sa sinabi ni Seri.
"..Oo! tapos ayun gusto niya sana magpatulong."
"Ah ganun ba? Sama ako. Wala naman masyadong gagawin ngayon."
Pag aalok ko na tumulong."Ah...eh hindi na! Okay lang! Kami na bahala. Anyways thank you. Una na kami ha?" Hinila ni Yumi si Serina at umalis na sila. Ang bilis. At naiwan ako magisa. Naglakad nalang ulit ako at bumalik na sa bahay.
Pagdating ko nadatnan kong paalis si Zeke kasama si Kyle. Nagulat siya at napaatras ako.
"Hi Athy." Bati ni Kyle.
"Saan ka pupunta?"
"ah may gagawin lang kami. Dun muna ako sa room nila Kyle mag-stay."
Sagot naman niya."Ah okay." Lumabas na sila at pumasok naman na ako.
Wala akong magawa. Kaya tinawagan ko si Steph at pinapunta ko sila.Siguro ten minutes din bago sila nakarating.
"Hala bakit ang tagal niyo ata?"
"Eh paano itong si Rikkie ang bagal kumilos."
Sinamaan si Joash ng tingin ni Rikkie.
"Ahhh..."
Laging ganyan ang dalawa. Sabi nga ng mga kaibigan nila sanay na sila dahil halos araw-araw ganyan ang bungad nila sa isa't isa.
Kung tutuusin bagay naman sila.
"Buti Athy pinapunta mo kami anong meron?" Si Hani na ang nagtanong."Ah wala lang namiss ko lang kayong kausap."
"Suuuus bola." Si Caleb.
"Hay nako ayaw mo maniwala edi wag."
"De joke lang. To naman sineryoso."
Pero teka... Wala yata si Ashton?
"Uhmm bakit di niyo kasama si Ash?"
"Ayun umiiyak binasted mo daw kasi."
Si Joash sumagot.
Hala alam na din nila?
"Huuuyyy hindi ko naman... Hala..."
Nakaka-guilty naman ata.