A Day before the White Party
The next morning
Currently eating at the dine hall for breakfast. Kasama ko si Ayu and Serina. Nakakabigla nga dahil di na sumasama si Tracey. Pero I am pretty sure nasa party din siya.
"Uy I heard na dapat may escorts/date tayo for the white party." Ayumi uttered while chewing on her waffle. Mukhang kinikilig siya may hindi ba kami alam?
"Okay? Kailangan ba talaga?" Tinanong ko naman habang nagche-check ng phone.
"Yes!"
"Hoy Ayumi Seantal teka nga lang bakit parang kinikilig ka pa dyan?" Napansin din pala ni Serina.
"Huh? Ako? hindi no!" pinipigilan niya ang sarili niyang hindi tumawa.
"Baka si Athy..." Tinarayan niya ako. Bakit ako?! wait... may alam ba sila? Nalaman na kaya nila? Hala patay ako...
"A-ako? Hindi no. Bakit naman.." sumubo ulit ako ng pancake. Sa point na ito sobrang kinakabahan na ako.
"Ba ewan." we continued our breakfast. Buti nalang hindi na nila inopen up pa.
"Nga pala back to the topic, sino escort mo?"
"A-ah uhmm *ehem* s-si Seth..." sagot ni Yumi pero nahiya na siya doon sa last word.
"Weh?! Paano?! Kelan? Kaya ka ba kinikilig kanina???" ako naman ngayon yung nagtanong. At dahil tumango siya it means yun nga ang reason.
"Grabe ka! Di ka man lang nagkwento bruha! Spill!" lumapit kami kay Yumi at hinintay siyang magkwento.
"u-uhmm last night kase..."
Throwback
Nung gabing 'yon hindi ako makatulog dahil sa hindi ko alam na reason kaya I decided na lumabas para magpahangin.
(Serina: ah so ganun di mo ako ginising?
Ayumi: Hindi na tsaka wait lang shhhh!!! Okay continuing...)
Habang naglalakad ako may naanigan akong sobrang liwanag kaya naisipan kong puntahan at nakita ko ang isang garden na puno ng mga alitaptap at mayroong mga kandila na nakakalat sa damuhan. Habang palapit ako, sa di kalayuan nakarinig ako ng gitarang tumutunog at mayroong kumakanta.
(serina: huhhh? saan naman yun?
Ayumi: ih bastaaaa wait lang.)
Lumapit ako at dahan dahan lang kasi natakot ako. Pero nagulat ako nang makita ko siya and I stared at his face for quite longer...ngayon ko lang kasi nakita yung side niya na ganun. Sobrang dama niya yung kanta and nakapikit siya habang kumakanta. Siguro napansin niya ako at natauhan naman ako.
"A-ah sige sorry akala ko kase walang tao. Sige bye!" tatakbo na dapat ako pero bigla niya akong hinila pabalik. Sobrang kilig! hindi ko alam yung mararamdaman ko kasi si Seth yun and basta di ko ma explain!!!
(Athy:Ayieeee so kinilig ka naman?
Yumi: hmm Oo... *smile*)
Pero ito talaga, he said "No. It's okay please stay." tapos waaaahhh!!! yung smile niyang nakakatunaw!!! syempre nagulat ako kaya di ako nakapag salita... So nagstay ako. Umupo ako sa tabi niya OMG! Grabe lang! syempre di ko pinahalata pero deep inside grabe my heart!!!
Ayun nag kwentuhan kami. Sobrang romantic lang din kase ang daming fireflies tapos yung tree may mga fairylight na nakailaw. Tapos may candles pa sinong hindi kikiligin dun? And then kahit simple lang yung outfit grabe ang lakas ng charisma and ang charming niya! Huhuhu my heart. Naka grey shirt and red flannel polo pero grabe ang galling niyang magdala ng outfit niya.