Hi there! It's me miss A! Medyo mahaba pero worth it hahahaha! okay so a little spoiler alert lang for you guys! May pupuntahan sila na exciting!!!! Picture will be posted on the media section. Can't wait! (Inspired by: Soneva Jani beach and boro-bora beach) kinuha ko lang as inspiration but not exactly like that. Ang daming exciting na mangyayare!
----After 1 week
Ayumi's POV
"Uyyy blooming ka ata ngayon? Yieee."
Pangaasar ko kay Athy.
"Che! Blooming ka dyan." defensive si ate gurl mo!
"To naman masyadong masungit."
"May TOTM ka girl?" Tanong ni Serina.
"TOTM?" Sabay kaming nag tanong.
"TOTM, Time Of the Month." Paglalahad niya sa ere na para bang may binabasa talaga siya.
"Ahhhh."
"Wala." sagot naman ni Athaliah.
"Oh bakit ka nagbublush?" Tanong ko nanaman na this time nagpipigil na talaga akong tumawa paano nagbu-blush siya.
"Ah alam ko na baket." Narealize ko lang agad.
"Shhhhhhhhhh." tinakpan niya ang bibig ko.
"Huh? Iiiih Bakeeeet." Pagpipilit ni Seri.
"Kase-" tumingin si Athy saken ng masama.
"Kase secret." Pagtapos ko.
Hayyy nako I ship kuya and Athy . Bagay kaya sila! Ewan ko ba ba't kasi umeepal pa si Ethan!
Pag talaga naging sila hay nako tatalon talaga ako sa empire state building!
---
Athy's POV
At dahil madaldal si Ayu medyo nadulas siya kaya nagpumilit si Seri na malaman.Kaya ayun napatambay kami sa lib ng wala sa oras.
"OA niyo no."
"Ano bang nangyare nung wala sila Ayumi?" Pilit ni Seri.
"Wala natulog lang siya." Sagot ko.
"Eh ano yung sinasabe ni Yumi na ang sweet niyo daw?!"
Aigoo.
Nakakalokang kausap tong si Serina. Tanong ng tanong.
"Anong sweet!!!! Hindi naman kami sweet no?!" sumubo ako ng Piattos Green Sour cream & Onions flavor by JACKnJILL.
"Asus...." React naman nitong katabi ko, Yumi.
"Kase ganito yun, dumugo nanaman yung sugat niya, so naghanap ako ng band aid tas nilagay ko sa noo niya... SWEET NA BA YON?!" nai-istress na ako sa dalawang ito ha?
"Oo ang cute kaya ng ganun. #couplegoals!" Pagsagot nitong si Ayumi. May paganun pa? Ew.
"Hay nako nakakaistress kayo ah! Tigilan niyo nga ako. Don't me! don't me!"
'Shhh! Ingay!' reklamo nang ibang istudentyante.
"Okay, FINE." tumahimik na kaming tatlo.
Nasa library kasi kami ngayon, nagaaral for our incoming exams. Eh, mukhang di ata kami makakapag aral dahil chika ng chika 'tong dalawang lokaret.
-------
Nung dumating na yung teacher my favorite btw, si Ms. Gonzalez, late nanaman siya as usual."Okay class I have a very special announcement. To some this is a good news and sa iba maaaring hindi." she cleared her throat na para bang may nabara.