Athy's POV
"Fren, anong order mo nyan?"
"Ako chicken sandwich and tacos nalang tapos pala blue lemonade yung drink ko. Tenchu!" Sabi ni Serina habang nakatingin lang sa phone niya. Hay napapansin ko lang naa-adik na to sa bagong usong game, Adorable home!
"Eh ikaw Athy? Ano sayo?" napalingon ako kay Ayu.
"Uh chicken sandwich narin and then nachos with madaming cheese ha? Tapos lychee Iced tea yung drink."
"Okie dokie." At umalis na si Yumi para kunin yung order namin.
Nakaupo na kami ngayon sa favorite spot namin here in the canteen. Still, lunch break namin.
"Ano ba yan?" nacurious ako sa laro ni Serina.
"Adorbs home." Busy siya sa paggogroom ng pusa, si Elisabeth ata pangalan?
"Ay ang arte naman ng pusa na yan." comment ko.
Nung dumating na yung order namin kumuha lang ako ng utensils and then we ate our food na. Nakakagutom na kaya.
"Oh Athy, napapansin ko lang... Bakit kaya aligid ng aligid yang sila Ethan sayo all of a sudden?" Pagtataka ni Serina.
"Ikaw yumi alam mo ba? Since kuya mo naman, for sure may nalalaman ka."
"Heh, wala no. Nako, ako at si kuya close? Medj lang. Kahit sa bahay di yun namamansin. Ang snob kaya nun. Sungit siya saken."
"Sa bagay may point ka."
---------
"Uy Bianca, sabihan mo nalang si Lester kung kelan natin ipa-pass yung english project no? Di ko na kase siya mapupuntahan ngayon eh."
"Ah oo sige Pres sabihan ko nalang siya. And also pala may meeting today dont forget."
Ay! Oo nga pala! May meeting kaming Officers today! Hayyy president ka ba niyan Athy? Kinakalimutan mo mga priorities.
Why? Para sa incoming foundation day namin. Well medyo matagal pa since December pa gaganapin pero the earlier the better!
Naglalakad na ako papuntang room at sa point ngayon nacu-curious na talaga ako kung baket all of a sudden nakikipagclose tong si Ethan. Oo nga nakakapagtaka lang kase date di naman kami close nyan at di naman kami "nagpapansinan" before? Parang nga invisible ako sa paningin niya. Tapos ngayon atat na atat na makasama ako makasabay AT nagpapapansin pa.
Speaking of the devil....
"Hi 'Thy! Tulungan na kita sa gamit mo? Mukhang nabibigatan ka ata?"
Medyo naguluhan ako, bakit biglang bumait 'to ngayon?
"Umamin ka nga, anong meron? Bakit bigla ka nalang naging mabait at concerned saakin? " pagtatanong ko na may halong curiousity.
"Wala lang..bawal bang maging mabait at concerned sa GIRLFRIEND ko?" Nag smile siya. Bes! May dimples siyaaaaaaa!!!
Bawal marupok.
Sinapak ko siya.
"ARAY?!" Pagreact niya."Ayan para magising ka sa katotohanan. Girlfriend mo mukha mo." sinagot ko siya na hanggang ngayon nakahawak sa pisngi niyang pulang pula.
"Bakit ba bigla ka nalang nagiging sweet tas kung nasaan ako nandun ka?" Tanong ko ulit.
"Kase di ko rin alam? Hala ginayuma mo ko." Nag pout siya and then lumapit siya saakin at
KINISS NIYA AKO SA FOREHEAD?!
"Bye baby dinosaur ko. Hahaha."
Tumakbo siya at nauna na papuntang office ng tumatawa.
Natulala ako. Di ako makagalaw.
Oh...
My....
What just happened?!
---------------------------------------------
Enjoy :)