"Aaaaaahhhhhh! Manyak! Manyak!""AAARAY?! Ano ba?!!!!" Pagreklamo niya dahil sa mga hampas at palo ko.
Aba naman at nakuha niya pang tumulala!
"Hoy! Umalis ka dito!" Paghampas ko sakanyang muli.
Tumakbo siya palabas.
Phew..
Nung nakapagbihis na ako sinugod ko siya kaagad."Hoy Ezekiel Aldrin Vilorra! Sinong nagsabe sayo na pwede ka pumasok sa banyo na may tao ha?!"
"Aba sino ba namang matinong babae ang hindi naglo-lock ng pintuan pag naliligo?"
Mabuti nalang at naka-towel na ako noon hayyy right timing nga naman.
"Aba! So ako pala may kasalanan na hindi ako naglock?!"
"Oo dahil hindi naman ako papasok kung naka-lock hindi ba?!"
Sa bagay may point siya. Pero pumasok parin siya!!!
"Oh basta next time dapat KUMATOK KA. Madali lang naman siguro yun. Ide-demonstrate ko pa ba saiyo?"
"Tsk."
---
Around 6pm pumunta sila Ayu sa villa namin and hinintay namin sila Lucas at yung ibang mga barkada ni Zeke."Bro kamusta naman kayo ni Athaliah dito?" May halong pangaasar sa boses nitong si Kyle.
"K." Nakatitig lang ito sa cellphone niya at mukhang busy ata?
"Wala man lang kababalaghan na nangyare?" Pagtatanong ulit niya na para bang nakakapagtaka talaga.
"Wala."
"Aba himala naman ata iyon. Knowing you di ka ganyan Ezekiel." At si Lucas na ang sumagot habang papasok sila sa loob ng bahay.
"Andito na pala kayo. Let's Go?" Ako na ang nag-change topic dahil ang awkward talaga ng pinaguusapan namin.
Tumayo agad ako at lumabas. Sumunod naman silang lahat at naglakad na kami sa may wooden pathway.
"So back to the topic kanina, himala talaga no Seth? Di ako makapaniwala. Mukhang nagbabagong buhay na itong si Kiel." Pagsisimula nanaman ni Kyle.
Tumango naman yung iba niyang kaibigan.
"Hoy! Di ako nagbago ano! Di ko lang siya type! Mukha kase siyang posteng malnourish."
Ughhh eto nanaman tayo. Nakakainis! Inopen up pa kase ulit!
=.=
Tumawa silang lahat except ako. Ano ba yan pati sila Yumi natawa. :<Tuloy-tuloy lang ang usapan nila habang naglalakad kami. Just then sumulpot from nowhere si Tracey.
"Hi guys! *giggle*...Hello Zeke." Pinalupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Zeke. Nagulat ang lahat lalo na ang mga lalaki pero ako? Sus expected.
Naka-bikini pa talaga siya. Ang ganda ng shape ng katawan niya. Edi siya na kaseng model.
"At sino ka naman?" Pagtataray ni Zeke di man lang siya nabighani sa kagandahan ni Tracey? At para bang wala siyang gana kausap si Tracey. Tinanggal niya ang pagkakahawak ni Tracey at inilagay lang ang mga kamay niya sa pocket ng trousers niya.