Athy's POV
Buti nalang talaga pumayag ang teacher namin. Kaya eto nakapagpahinga ako. Sa sobrang stress ko ba naman ngayon nalang ulit ako nakapahinga.
"Okay ka na?"
"Hmm medyo."
"May kailangan ka? Food? Tubig?" pag-aalok niya.
"Heh tigilan mo ako. Wag kang OA."
"Ts. Ako na nga nagmamalasakit sayo ganyan ka pa sakin."
"Wow big word malasakit. Hahahahaha." Di ko na mapigilan na matawa.
"Bahala ka nga dyan."
Winalk outan (yet again) po ako ni Ezekiel Vilorra. Ang galing!"Hoy saan ka pupunta?"
"Sa malayo!"
Hay naku! Ayan nanaman siya.
----
Siguro mga isang oras din siyang nasa labas bago bumalik dito sa room.
"Saan ka galing?"
He ignored my question. Just wow."Pinapasabi pala saiyo na may dinner daw ang Student Government ng lahat ng schools. Mamayang 7pm."
"Since wala ka naman nang sakit tumayo ka na dyan at ako naman ang hihiga." Tinulak niya ako at muntik na ako malaglag.
Bastos talaga!Batas talaga tong si Zeke! Pasalamat siya dahil excuse din siya dahil sakin.
Lumabas na muna ako at nagpahangin. Sakto naman ay may naglalakad na grupo na mukhang galing sa ibang school.
Di ko masyadong pinansin dahil mukhang naguusap-usap sila.
"Hello. Excuse me?" Pagtatanong ng isang lalaki. Gwapo siya at mala- Phil-am ang itsura."Hm yes?" I smiled. Syempre dapat friendly.
"Pwedeng magtanong?" Ah nagtatagalog naman pala.
"Actually nagtatanong ka na. Pero sige ano iyon?" Pilosopo Athy.
"Saan magche-check in? Kararating lang namin at sinabihan kami na dumiretso doon."
"Ah turn left dun malapit sa activity area. Malapit lang sa pool." Sagot ko naman.
"Ah thank you. By the way, I am Steph. And you are?"
"Athy." Tinanggap ko yung hand shake.
"Ah Athy...beautiful name bagay sa may-ari. Oh and this are my friends pala. Si Chloe, Hani, Joash, Rikkie, and Caleb."
Bumati din naman sila saakin.
Ang bait lang nila. I greeted them back.
#appreciationforgoodpeeps <3So bali 3 boys and 3 girls sila.
Si Steph, Caleb at Joash - boys.
And then si Rikkie , Chloe at Hani- girls.
di ba obvious?After nilang magpakilala umalis na rin sila at ako bumalik na rin sa cottage at bumungad saakin ang mukha ni Zeke.
"Sinong kausap mo?" sungit nanaman.