Ethan's POV
"Do you know where she lives?" biglang umimik si Zeke. At pinarada sa side ng kalye ang sasakyan.
'Hoy Athaliah saan kayo nakatira dito?' Walang imik.
'Hoy!'
Wala padin. Nilingon ko nga. Ah kaya pala tulog na eh. Tsk. Bastos! Tinulugan ang napaka-gwapo kong mukha!"What?" Zeke raised his brow.
"Ah um, may number ka ba ng kapatid mo? Diba magkaibigan sila?"
He dialed up buti nalang sumagot agad si Ayumi. He gave me his phone.
'Hoy panget! Saan nakatira si bestfriend mo?' bungad ko.
'Oh well if it isn't my beloved brotha, Maka-panget to! Baket ba! Sino ba at pake mo ba sa mga kaibigan ko kuya teka Ethan?!'
'Aba-aba teka nga? Manliligaw si kuya no?! Ayieeee binata na si kuyaaaaaa wooohhhh!!! Ate Abi! Come down, si kuyaaaa!' I sensed na nagpanic itong si Zeke.
"What? NO! That wasn't me, that was Ethan!" Halatang kinabahan si Zeke mula sa mukha niya. Nakakatuwa minsang iprank itong si Zeke, masyadong anghel! Lagpas ata ito sa langit, kung sakali?
'Tumahimik ka nga unggoy! Ang dada mo eh!" tinignan ako ng masama ni Zeke dahil sa tinawag ko sa kapatid niya. Hehe peace tayo, bro.
Nagpatuloy nalang ako magsalita. "Kasama ko si Athy ngayon...eh ang kaso nakatulog kaya eto no choice ihahatid sa bahay.' Napakamot ako sa batok ko.
'OMGEEE kuya kasama mo siya?! Baket?!" Aba mas pinansin ang kuya kesa saakin?!
Nabalin naman saakin ang attention niya, "Hoy Ethan, may ginawa ka ba sa kanyang masama ha?! Tandaan mo kahit kaibigan ka ni kuya, pwede kitang pakulong!' pagsigaw niya sa kabilang linya.
'Tanga! Ano ba pinagsasabi mo dyan?! Hahatid ko--ay namin pala, kase kami nalang natira sa school kanina. Dami mong DADA! Wag ka nang tanong ng tanong! sabihin mo nalang address buisit!'
Nairita na ako kase baket nga ba ako nageexplain?!
'Ay galit? Chill lang half brotha! Uhmm sigi text ko nalang sayo. Kuyaaaaa, Muah muah! Hoy kuya sabihin mo kung may balak ka ligawan si sisteret ko!' umiling lang si Zeke sa sinabi ng kapatid.
Pinatayan ko nga. Kabanas! Daldal! Bungangera! Lahat na!
Nung tinext na niya yung address dumiretso na kami sa subdivision nila.
Nang makarating na kami sa bahay nila ginising ko na siya.'Athy...'
Ayaw magising. Hay tulog mantika!
Nalapit ako sa manubela at bumusina nga ako. HAHAHAHA!
Nagulat siya at napatalon.
'AY PALAKANG LUMILIPAD! Ano ba?!'
Tawa ako ng tawa. Laptrip tong babae na to.
'Andito na po tayo sa TAPAT ng bahay niyo.''Ah ganun ba?..."
malumanay lang yan...wait for it... wait for---
" EDI SANA GINISING MO NALANG AKO HINDI YUNG MANGGUGULAT KA! Baboy pusit!'
Bingo!
Ayan bumalik na po siya sa pagiging bakulaw niya. HAHAHAHA!
"Baboy pusit?" pagtataka ni Zeke."Baboy at pusit in short BUSIT ka Ethaniel!" ay witty naman pala.
Bumaba siya sa kotse nagdadabog.
'Wala man lang thank you?'
'Wala! Nanggulat ka eh! BANAS!'
Dirediretso siyang papasok. Sinalubong siya ng kapatid niyang babae.'WELCOME HOME ate!' Pagsalubong sa kanya ng kapatid niya Kez ata pangalan?
'CHE! Tumahimik ka!'
'Ay ang taray!' Napansin niya ata ako kaya napa-smile siya.
"ate! Ate! Sino yun ha? May boyfriend ka na ba? Hoyyy bat di ka nagsasabe ah? Ang daya!" Sinara na niya yung pinto.
Grabe pareho pala sila ni Ayumi! Magkaugaling-magkaugali! Maka alis na nga!
"Let's go." I gestured to Zeke.
Napa-ismid ako. Hay laptrip to. Ang saya nang araw ko ngayon! Bukas ulit!
Goodnight Baboy Pusit!
----------------------------------------------