Chapter 25

16 0 0
                                    

Zeke's POV

Di ko na talaga napigilan ang sarili ko. Bahala na. Nilapitan ko at dire-diretso lang ako sa paglalakad. Di ko na pinansin yung mga nasa paligid ko.
Ha. Mukhang masaya pa sila.
Hinablot ko agad ang kamay ni Athy at tinanggal iyon mula sa pagkakahawak nilang dalawa.

Halatang nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Ni ako mismo nagulat sa ginawa ko. Pero wala nang atrasan ito.

"Walang ibang pwede mag-sayaw kay Athaliah kung hindi ako."

"Zeke..." Hindi parin makapaniwala si Athaliah. Magkahalong gulat at tanong
Ang kanyang expression.
Hinila ko siya at dire-siretso parin ako sa paglalakad.

"Zeke! Bitiwan mo ako."

"Aray!!! Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

"Huy!"

Sa lahat ng kanyang tinanong wala akong sinagot. Hawak ko parin ang kanyang kamay habang naglalakad kami. Binitiwan ko na ang kanyang kamay nung narindi na ako sa kaingayan niya. Bakit kase ma-bunganga yung babae na ito?

Hawak  niya yung kamay niya dahil mukhang namula sa pagkakahawak ko.

Di na ako nag-dalawang isip pa.

"Bakit ka nakikipag-sayaw dun?"

"At bakit naman hindi? Bawal ba? May batas ba sa pilipinas na nagsasabing bawal na si Athaliah Therese Alcantara makipag-sayawan sa ibang lalaki?! Eh ano naman sayo kung nakipag-sayaw ako kay Ashton?!" Sumbat naman ng malaking bunganga.
"Kasi NAGSESELOS AKO! Kase GUSTO KITA!"

------

Athy's P.O.V.

"Zeke..." Bakit? Di ko alam...ano ito? Blanko utak ko. Di ko na alam.

Hinila niya ako at hinayaan ko nalang. Dire-diretso lang siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung galit ba siya? Masaya? Hindi ko alam. Kahit ang nararamdaman ko...di ko din alam.

Nung natauhan na ako nagsalita na ulit ako.
"Zeke! Bitiwan mo ako." Saan ba kasi niya ako dadalhin? Kanina pa kami naglalakad dito, ah?

"Aray!!! Masakit na... Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

"Huy!"
Hindi niya ako pinapansin.

Di na ako ulit dumada dahil mukhang wala naamn siyang balak sagutin ako.
 
Buti naman at binitiwan na niya ako. Nasaan kami? Nasa terrace...? At bakit naman kami nandito?
Pero whatever! Masakit yung wrist ko mula sa pagkakahawak niya. Ang harsh naman kasi!
:<

"Bakit ka nakikipag-sayaw dun?" Galit at inis ang expression niya.
Aba? Sigawan ba naman ako?

"At bakit naman hindi? Bawal ba? May batas ba sa pilipinas na nagsasabing bawal na si Athaliah Therese Alcantara makipag-sayawan sa ibang lalaki?! Eh ano naman sayo kung nakipag-sayaw ako kay Ashton?! Boyfriend ba kita? Tayo ba?!"  Sinumbatan kondin siya.

"Kasi NAGSESELOS AKO! Di ba obvious? GUSTO KITA!"

0.0

...dug...dug...dug...

"A-anong sinabe mo?"

Zeke's P.O.V.

Kumalma na ako at kinuha yung kanyang kamay.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan hanggang sa konti nalang ang pagitan naming dalawa.

Hindi parin siguro siya makapaniwala sa mga nangyayari dahil yun yung sinasabi ng expression niya.

I held her chin up para tumingin siya diretso sa aking mata.

"Hey look at me."

"I said...I like you."
At sa punto na iyon para bang nabunutan ako ng tinik. Hindi ko alam pero gumaan na ang akong loob.

"I like You, I love you Athaliah Therese Alcantara."
----

A Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon