Chapter 23

11 0 0
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Una dahil si ZEKE yun. Sobrang hindi ako makapaniwala. Secondly HE ASKED ME TO BE HIS DATE sa white party. Sino bang hindi magugulat doon? Knowing him, madaming mga girls na nagkakandarapa sa kanya. For all I know may fan's club pa siya. Hindi parin ma-process ng aking brain.

"Huy! Tulala ka nanaman!"

"Ha-ah?"

"Suuus nilamon na ni Zeke ang utak."

"Hindi no."

Nasa room kami nila Ayu ngayon. Nag-stay na muna ako dito since wala din naman si Zeke sa room and nasa kanya yung house key.

"So anong feeling?" Serina asked dreamily.
Nakaharap siya saakin habang naghihintay ng sagot.
"Feeling? Ano ba dapat mafe-feel ko?"
Kahit ako hindi ko alam kung ano ba dapat mafe-feel ko. Matutuwa ba ako? Malulungkot? Maiinis? Magagalit?

"Sus. Kilig ba? Saya? Ganun." Ayumi inserted. At naki upo narin siya sa tabi ko.

"Hmm..." I rested my head sa may headboard ng bed and hugged the pillow next to me at nag isip.

Ano nga ba feeling?

"Gulat? Masaya? Kilig? Di ko expect. Honestly hanggang ngayon di parin ma-process."

"Yieee. Actually di ko din expect nung sinabe ni Seth saakin. Siya yung nag-call kanina."

"Weh? Ano yun? Bakit ako?" Ang damiong tanong sa utak ngayon. Hindi ako mapakali.

"Omg... what if may gusto na pala si kuya sayo?"

"Zeke?..." Ayaw ko naman mag assume pero this past few days iba nga mga kilos niya. Napapano yun? Kung trip lang yun bakit ako pa?

"Kasi kahit ako na kapatid na niya mismo nagulat eh. Never yan nag-effort sa isang girl. Yes bipolar at moody yan pero sanay yan na siya yung hinahabol, pinag-effortan at minsan nililigawan pa."

"Syempre sino bang hindi mafa-fall kay Ezekiel Aldrin Vilorra? Gwapo daw athlete, dancer, famous, mayaman, heir, charming daw at magaling sa lahat ng kaniyang ginagawa." Paglalahad ni Serina.

"Ako. Hindi ako mafa-fall." Ayu raised her hand.

"Malamang kapatid ka niya." Sagot naman ni Serina as if it's the obvious.

"So ikaw inaamin mo na gwapo nga si kuya?" Tanong ulit ni Yumi na may halong pangaasar.

"Ah? hindi no." Hala defensive si Seri. Hahaha.

"Sus kasasabi mo lang."

"Basta! Exception ako dun." Tumayo na si Serina at pumunta sa kitchen.

"Hoy Sheeri Nicole Khan! Saan ka pupunta?" Pagtawag ulit ni Yumi pero di na lumingon si Seri.
Walk out means?

Pero anyways... Ayoko na isipin dahil nakakabaliw lang. Stressed na ako sa buhay ko dadagdag pa ba si Zeke?

----
Day of the White Party

Wala kaming ginawa the whole day kahapon. Siguro dahil tinamad narin ang mga teachers and camp directors namin. Nag-stay ako sa house nila Seri and naki tulog narin. Kwentuhan the whole night.

A Twist of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon