Chapter 3 Vexatious

127 3 2
                                    

(Joey’s POV)

Wala yung Math teacher namin ngayon pati na rin yung Filipino teacher namin kaya free kami hanggang lunch break. Hay, ang boring naman. Yung ibang mga classmates ko nagdadaldalan. Nagtatawanan. Yung mga bff ko naman ayun nasa kabilang sulok ng room. Seatmates sina Gabby at Heidi sa third column. Mukhang masaya naman silang nag-uusap. Chismis na naman yan for sure! Si Gummy naman nandun sa back row katabi si Oliver, siya ang first and oldest bestfriend ni Gummy. Para na ngang magkapatid yan sa sobrang tagal na magkakilala. And finally, ang aking napakawonderful bestfriend na si Maggie, andun sa front row katabi si Skye. Para namang may napakalaking demarcation line sa pagitan nilang dalawa ni hindi man lang nagpapansinan o nag-uusap. Hay, first day pa lang ng school mukhang magiging mortal enemies na silang dalawa!!! Hahahaha.

“Oh, bat bigla kang tumawa?”

“ Ay, palaka!”

Nagulat ako ng biglang magsalita itong katabi ko, si Miko Hernandez.

“Ako,palaka? Hahaha. Ang gwapo ko naman para maging palaka!”

Oo nga pre, gwapo mo. Hindi ka lang gwapo, kapal mo rin! Para kang encyclopedia sa kapal! Hindi ko na lang siya sinagot. Kinuha ko yung pencil ko at binuksan ang aking sketchpad. Nagdrawing na lang ako. Tutal wala naman ako magawa at isa pa ayokong makipag-usap sa “feeler” na ito. Nagdrawing ako ng hill.

“Burol ba yan?”

Hindi ko siya sinagot.

“Hindi ka sumasagot, siguro hindi. Bundok yan noh? Bulkan? Ah hindi burol yan eh!”

Hindi ko pa rin siya sinasagot. Nagdrawing naman ako ng puno.

“Anong puno yan? Nara ba? Niyog? Mahogany? Mangroove ba yan? O puno ng mangga?”

Nakakainis na itong lalaking ito ah! Ang kulit kulit! Sarap ihampas ang mukha sa sahig.

“Uy. uy. uy. uy. uy. Sumagot ka naman. Pag hindi ka sumagot may crush ka sa akin.”

Okay that’s it.

“CAN YOU PLEASE JUST SHUT UP!?!  YOU’RE GETTNG ON MY NERVES. STOP BEING SO VEXATIOUS!!!!!!”

Natahimik siya at natulala. Mabuti naman, magpapatuloy na sana ako sa pagdrawing ng bigla siyang tumayo at nag-announce.

“Sino dito may alam ng meaning ng  vexatious? Hindi ko kasi alam eh. HAHAHAHAHA.”

Tapos ayun,para siyang tangang tumatawa habang naghihintay kung sino sasagot. Sabay na tumaas ang kamay ni Maggie at Skye.

“Vexatious is an adjective that means provoking irritation or anxiety by causing trouble” - Skye

“It is also synonymous to annoying” - Maggie

“and Irritating” - Skye

“and Distressing” - Maggie

“and Irksome” - Skye

“and pesky”- Skye and Maggie

Pumalakpak naman si Miko habang nakatawa pa rin.

“Wow, nosebleed. Penge tissue. HAHAHAHAHA. So in short, nakakainis pa lang ibig sabihin ng vexatious.”

Tumingin siya sa akin at kinuha ang kamay ko

“Don’t worry from now on I won’t be vexatious towards you. Ms. Joana Rivera.”

Nag- aiyee yung mga classmate ko. Nakitang kong natatawa din si Maggie. Hinila ko na yung kamay ko sa kanya. At ano tong nararamdaman ko. Parang namumula ang mukha ko. Sheet! Am I blushing?!?  Crap! No, not for someone like him.

(Miko’s POV)

Palabas na ako ngayon ng CR. Hindi ko pa rin makalimutan yung “vexatious” scene kanina sa room. Mabuti naman at napansin na ako ni Joey kahit nga medyo pangit ang first talk namin pero at least diba. Nakausap ko siya at nahawakan pa ang kamay niya. Okay three points for Miko Hernandez. Hay, ang saya saya ko talaga. First year palang kami crush ko na siya. Lalo na nung collaborative activity namin nung naging kapartner ko siya sa sayaw. Sheet! Na-in love na talaga ako sa kanya nun. Kaya naman pinilit kong mapataas yung grades ko para maging classmate ko siya. Sulit na sulit talaga. Hindi ko lang siya classmate, seatmate ko pa siya. ^_^ Kung sinuswere ka naman talaga oh-oh. Nakita ko ang bestfriend kong si Brent, naglalakad pabalik na rin sa room. Hinabol ko siya.

“Brent! Pre! Hintay!”

Buti naman at lumingon ito. Si Brent ay half – Swiss at half- Filipino. Mom niya yung Swiss. Dad niya yung Filipino. Kaya unang tingin mo pa lang kay Brent halata na may halo ang dugo nito. Dami nga nagkakagusto dyan eh. Siguro kung babae ako magiging crush ko din siya. Ugh, what am I thinking? Anyway, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon wala pang nililigawan itong si Brent.

“Oh ikaw pala, Miko.”

“Nakita mo ba yung vexatious scene kanina sa room.”

“Oo pre, ang bobo mo nga eh vexatious lang hindi mo pa alam ang ibig sabihin.”

Binatukan ko si Brent.

“Eh bakit ikaw alam mo yun?”

“Oo naman. Mas matalino ako sa’yo noh! Hahahaha”

“Adik mo talaga! pero, seryoso pre , sa tingin ko may chance ako kay Joey?”

“Oo pre, malaki ang chance mo, pag pumuti ang uwak! Hahahaha.

Binatukan ko ulit siya.

“Bahala ka nga dyan sa buhay mo. Basta ako liligawan ko si Joey.”

Tumakbo na ako sa room para makita si Joey at yayain siyang kasabay maglunch. Kaso badtrip pagdating ko nakapalibot na sa kanya ang friends niya at niyaya siyang maglunch. Sige na nga next time, ako at si Joey lang. ^________^

(Brent’s POV)

Liligawan niya si Joey? Expected naman na gagawin niya yun eh. Pero may isa lang problema. May gusto din ako kay Joey. Paano na yan? Bestfriend ko si Miko. Syempre pag sinabi ko sa kanya baka isipin niya inaagaw ko sa kanya si Joey. Pag nagparamdam naman ako kay Joey baka sabihin niyang traydor akong kaibigan. Hay, ang gulo! Ano ba dapat kong  gawin. Might as well kill my feelings for her.

*boog

Dahil sa kakaisip ko hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako. At ang gulat ko ng malamang si Joey pala yun!

“Ah, ano.. ah.. sorry Joana”

Tinulungan ko siya tumayo.

“Joey na lang. Okay lang yun. You’re Brent right.”

“Ah, oo.”

Tinawag naman ako nung Maggie.

“Brent, lunch time na ah! Gusto mo sabay ka na lang sa amin. Tutal ngayon araw, mukhang ikaw lang ang matinong lalaki sa mundo . Parang silang lahat gusto kong patayin”

“MAGGIE!!!!!” – sabi nilang apat.

“Joke lang.” ^________^v

“Tara, Brent kain na tayo.” – Joey.

“Ha, okay. Sige.”

Kung si Miko nakausap at nahawakan ang kamay ni Joey. Ako naman kasabay siyang mag-lunch. Mukhang hindi ko ata mapapatay ang feelings ko for Joey . Looks like I’m falling for her every second.

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon