Chapter 6 Drenched

83 2 1
                                    

(Maggie’s POV)

Friday! Friday! Friday!

Naglalakad na naman ako pauwi. Pero dahil Friday ngayon dumiretso muna ako sa playground para manuod ng sunset.Isasama ko sana sina Gummy kaso may pupuntahan daw sila ng boyfriend niya. Oo, nilalagawan siya ulit ng boyfriend niya. Si Gabby naman kelangang umuwi ng maaga kasi birthday ng mama niya. Si  Heidi my babysitting job. At si Joey naman,ayun niyaya ni Miko kumain sa labas kahit medyo delikado kasi naman yung mama ni Joey napakastrict. Sana lang hindi sila mahuli. Pupunta na ako sa favorite spot ko sa playground – yung swing. ^________^ Pero nakita ko may dalawang tao dun. Mukhang nag-dedate ah. Hay, sila na. Sila na ang may lovelife! Paalis na sana ako ng may mapakinggan akong familiar na boses.

“I don’t undersand I thought you love me.”

Boses ni Liam yun ah. Siguro yung girl na yan yung nasa library the other day.

“How many times do I have  to tell you? It’s all just a bet me and my friends made.”

“But you told me you love me. You told me I’m special to you. Why are you saying this to me now?”

“Malay ko ba na ang dali-dali mong utuin? Makinig ka nga sa akin, hindi kita mahal. Hindi kita minahal. Pinaglaruan lang kita, okay? “

Umalis na yung girl. Hinila ni Liam yung braso niya at niyakap siya.

“No. You’re just lying. Tell me. Tell me you love me.”

“LET ME GO! I DON’T LOVE YOU!!!!!!”

Kumalas sa pagkakayakap ni Liam yung girl.

“DON’T EVER TALK TO ME AGAIN!!!!!!!!”

Pag-alis nung girl, naiwan dun mag-isa si Liam na nakaupo  sa swing. Bigla namang bumuhos ang ulan.  Maggie, payong! Payong! Kunin mo yung payong mo! Nababasa na si Liam , dali!

Binuksan ko yung payong ko at nilapitan si Liam.

“Ahh. Liam. Ano…”

“WHAT?!???!!!”

“Ano kasi..ah ano..”

“KUNG WALA KANG MAHALAGANG SASABIHIN PWEDE BA UMALIS KA NA LANG?”

Nagulat ako dahil sinigawan ako ni Liam. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko na din siya.

“HUWAG KA NGANG MAGALIT ! BAKIT? AKO BA YUNG NANAKIT SA’YO? PINAGLARUAN BA KITA HA?  GINAGO BA KITA? HINDI NAMAN DI BA? GUSTO KO LANG PASUKUBIN KA KASI ANG LAKAS LAKAS NG ULAN BAKA MAGKASAKIT KA !”

“WALA KANG PAKIALAM!”

“BAHALA KANG MABASA DYAN!!!! PERO HUWAG NA HUWAG MO SASABIHIN NA WALA AKONG PAKIALAM KASI MAHALAGA KA SA AKIN!”

Na-iiyak na ako nun habang tumatakbo. Ang sakit sakit na sigawan ka ng mahal mo. Tapos sasabihin pa niyang wala akong pakialam. Hindi nya lang alam kung gaaano ako nasasaktan pag nasasaktan siya. Kung paano ako umiiyak pag umiiyak siya.

Lumakas naman yung hangin at nasira yung payong ko. Hay, nako. Ang malas naman oh. Broken hearted na nga. Broken umbrella pa. May nakasalubong akong schoolmate ko ata,naka-uniform pa siya eh. Tumakbo ako palapit sa kanya para makisukob. Alam kong useless na kasi basa na rin naman ako. Pero ayoko talaga yung feeling na basang –basa ng ulan. Paglapit ko sa kanya, tatakbo na sana ako paalis, eh kasi naman sa lahat ng pwedeng makasalubong eh bakit si Skye pa???

“Ms. Margaret Gonzales.”

Tinawag niya yung pangalan ko kaya napatigil ako ng pagtakbo.

"Alam kong basang-basa ka na ng ulan at useless na pasukubin pa kita. Pero nanginginig ka na dyan oh!”

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon